Kabanata 38

2165 Words
"So ano nang plano mo ngayon?" tanong sa akin ni Ingrid. Mugtong-mugto ang kanyang mga mata nang dahil sa kakaiyak nang dahil sa sinapit ko. Mas mukhang siya pa yung napag-trip-an sa pag-iyak niya, eh. Bumuntong-hininga ako at sumandal sa pader. "Para masarado na lang ang usapan tungkol sa pamilya ko, I guess mas mabuting huwag nang palakihin. Tutal, alam naman natin na kahit i-report natin siya e tatapalan lang nila ng pera ang ginawa nila," paliwanag ko kay Ingrid upang maintindihan niya na wala na lang akong gustong gawin. Kahit ang maghiganti sa dalawang salbaheng magkapatid na iyon ay hindi ko na rin binalak. Mukhang naintindihan naman niya, although may pagtutol sa kanyang mukha. "May point ka. However, sa tuwing nakikita kita, kumukulo talaga ang dugo ko sa dalawang impakta na 'yon!" gigil na saad niya. Muli akong napabuga ng hangin. "I know right..." tanging nasambit ko at napatitig na lamang sa pader. This is my reality. Wala na akong magagawa. Ngunit bigla akong napalingon kay Ingrid nang may bigla akong naalala. Nangunot naman ang kanyang noo nang mapansing may gusto akong sabihin sa kanya. "Ano, nagbago na ba ang isip mo?" tanong niya sa 'kin. "Gusto mo bang gantihan sila? I'll help!" masiglang sabi niya. Mabilis na umiling ako sa kanya dahil hindi 'yon ang gusto kong sabihin. "No, Ingrid. That's not what I meant!" angal ko sa kanya. Nangunot lalo ang kanyang noo. "E, ano?" "Si Lincoln!" naibulalas ko. Natigilan siya sandali ngunit nakuha niya rin kaagad ang ibig kong sabihin. Namilog ang kanyang mga mata nang dahil doon. "Hindi niya dapat malaman ang tungkol dito, or all hell breaks loose!" dagdag ko pa. "Good idea! What if ipaalam na lang natin sa kanya para siya na ang maghiganti para sa 'yo?" ani Ingrid na tila ba napakaganda ng planong naisip niya. Kahit na masakit din ang braso ko e nagawa ko siyang sapukin nang dahil sa kalokohan niya. "I won't let that happen!" matigas na sabi ko. Nai-imagine ko pa lang ang galit na mukha ni Lincoln at ang pag-transform niya into werewolf e parang lalabas na ang puso ko mula sa dibdib ko. Paano pa kaya kung makapatay pa siya sa sobrang galit? Of course I won't let that happen! Oo, nakarating na talaga roon ang imahinasyon ko. Sumimangot sa akin si Ingrid. "E, paano mo naman itatago sa kanya ang nangyari sa ganyang hitsura mo?" puna niya dahil puno ng pasa at sugat ang buo kong katawan. Saka ko lamang napagtanto na isa pa palang problema ko ay ang hitsura ko... at ang pagpasok ko sa klase at sa library kung ganitong masakit ang buong katawan ko. "Of course you'll help me," bulyaw ko sa kanya. "Hindi niya ako pupwedeng makita. Hindi ko hahayaang magkita kami..." I told her. Napataas ang isang kilay niya. "Sa liit ng campus natin, paano mo naman gagawin 'yon?" Napabuntong-hininga ako. She's right. Isa pa, ang bond namin ang maaaring makapagturo sa kanya kung nasaan ako, saan man ako magtago! This will be hard! "Kapag hinanap niya ako sa 'yo, just tell him na lumabas ako ng school temporarily," pakiusap ko kay Ingrid. Wala na akong ibang maisip na paraan upang makumbinsi si Lincoln na huwag akong hanapin, kahit sa isang linggo lang. "That will be hard, but okay." Nagkibit-balikat si Ingrid at pagkatapos ay yumakap siya sa 'kin. "Dito na lang din ako matutulog. Nasasaktan talaga ako kapag nakikita ko ang kalagayan mo," bulong niya sa 'kin habang naka-pout. Tinapik ko nang mahina ang kanyang pisngi. "I'm fine, don't worry. I can endure this much." So sa buong linggong iyon, ginawa ko ang best ko upang hindi ako makita ni Lincoln. Nagawa kong lumiban sa mga klase ko dahil alam kong pupuntahan niya ako ro'n. Nag-stay lang ako sa library maghapon dahil hinabilin ko kay Ingrid na huwag sabihin kay Lincoln na may duty ako sa library, para hindi niya ako puntahan doon. Pinayagan naman ako ng librarian na dumito muna dahil nakita niya ang kalagayan ko. Nagawa pa niya akong ipagpaalam sa mga klase ko na hindi muna ako makakapasok. Naging soft siya kahit papaano sa 'kin, mukhang naawa nang dahil sa sinapit ko. At mukhang naiintindihan niya kung bakit pinili kong manahimik. Ni hindi siya nagtanong sa akin ng kahit na ano. Kinagabihan, pagkatapos ng duty ko sa library, e nagbabasa pa ako ng libro to kill time dahil alam kong hihintayin ako ni Lincoln na umuwi sa dorm. Ngunit doon na rin ako sa library makakatulog. Kinabukasan, mukhang napansin ng masungit na librarian na si Miss Gladys ang ginawa ko kaya naman binigyan niya ako ng oras upang maligo sa dorm. At dahil alam ko na siguradong wala roon si Lincoln noong mga oras na iyon, dahil malamang ay hinahanap na ako no'n sa lecture building, ay umuwi ako upang maligo at gumayak. Nagpahinga muna ako sa aking kama noong umagang iyon at kumain na rin. At noong matutunugan ko na na pupuntahan ako sa dorm ni Lincoln, nagmadali akong lumabas upang bumalik sa library. Habang paika-ikang naglalakad, naramdaman ko na mayroong humawak sa aking braso at inalalayan ako sa paglakad. Paglingon ko ay nakita ko ang isang pamilyar na lalaki. "Thanks, Nicholas," nakangiting sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya sa akin ngunit mabilis ding umiwas ng tingin. Mukhang ayaw niya ring nakikita ang kalagayan ko. "Don't let Lincoln find out," habilin ko sa kanya bago kami maghiwalay. Hindi siya nagsalita sa akin. Halata sa hitsura niya na galit siya. Galit siya sa mga gumawa nito sa akin. Ngunit hindi niya iyon inilabas sa harapan ko kaya minabuti niyang iwan na lamang ako, tutal safe naman ako rito sa library. Magdamag lang akong nag-duty sa library. Hindi naman ako nabagot dahil habang nagbabantay, nagbabasa rin ako ng mga gusto kong libro. At dahil nami-miss ko na si Lincoln, kumuha ako ng libro na tungkol sa werewolves. Nagbasa lang ako roon ng facts about them. Mga detalye na kailangan naming pagmasdan sa kanila na may ibang ibig sabihin para sa kanila, their gestures, and everything about them na hindi ko pa alam. Nakangiti lang ako the whole time na nagbabasa ako dahil may ilang mga bagay na napapansin ko rin kay Lincoln na nakasaad sa libro. Iyon ay tulad ng pagiging touchy niya sa 'kin... at tama ako ng hinala na dahil iyon sa bond namin. Nakaka-ease daw iyon ng pain. Ibig sabihin ba, sa tuwing dumidikit siya sa 'kin e may physical pain siyang nararamdaman? Possibly. Pero bakit? Hindi naman siya mukhang laging nakikipagsugapaan sa ibang mga lobo. What causes him pain, ang tanong diyan. Natigilan ako bigla sa pagbabasa nang maramdaman ko ang presensya ni Lincoln dito sa library. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid at napamura nang makita ko siyang papasok sa pinto. Kaagad akong yumuko at nagtago sa mataas na desk ng librarian kung saan ako nagbabasa kanina. Mabuti na lamang ay nakatago ako dahil naramdaman kong papalapit na siya sa direksyon ko. s**t. Useless na magtago ako dahil alam kong nararamdaman din niya ang presensya ko. Napapikit na lamang ako at napamura nang maraming beses nang maramdaman na nasa tapat na siya ng desk ng librarian. Inaasahan ko na na makikita niya ako at tatawagin niya ang pangalan ko, but that didn't happen. "Ano ang hinahanap mo, hijo?" rinig kong tanong ni Miss Gladys kay Lincoln. Naimulat ko ang aking mga mata at tumingala upang makita ang nangyayari. Hindi na ako nagawang silipin ni Lincoln dito sa baba dahil bigla siyang kinausap ni Miss Gladys. Mukhang tinutulungan niya ako na huwag mahuli. "By any chance, is Astrid here? I heard that she has a duty in the library," narinig kong tanong ni Lincoln sa matandang librarian. Kinabahan tuloy ako. Magsisinungaling kaya siya para sa 'kin? I don't think so! Lagot na talaga ako! "No. Next week pa ang duty niya rito," mabilis na sagot sa kanya ni Miss Gladys. Namilog ang aking mga mata nang dahil doon. Hindi ko inaasahan na tinulungan niya talaga akong magtago! Kita ko sa mukha ni Lincoln na nalilito siya at nag-aalangan, pero tumalikod na rin siya at umalis. Nakahinga lamang ako nang maluwag nang maramdaman na tuluyan na siyang lumabas ng library. Saka lamang ako tumayo at nagpasalamat kay Miss Gladys. Hindi niya ako sinagot at muli na siyang umalis upang maglibot-libot sa loob, making sure na nandito ang mga estudyante para magbasa at wala nang iba pa. Maagang natapos ang duty ko noong araw na iyon at sinabihan ako ni Miss Gladys na magpahinga na. Iika-ika pa rin akong maglakad pero mas maayos naman na kahit papaano kumpara sa dati. Palabas na ako ng lecture building ngunit napansin ko na mayroong nakakumpol na mga estudyante sa may bulletin board kung saan makikita ang lahat ng announcement, events, at iba pang tsismis. Makikita ang bulletin board na iyon sa tapat ng exit ng building. Hindi ko na sana papansinin iyon, ngunit natigilan ako nang maramdaman ko ang presenya ni Lincoln. Inilibot ko ang tingin ko upang hanapin siya ngunit hindi ko siya makita. Nag-panic tuloy ako. Nanatiling naghahanap ang aking mga mata dahil hindi na rin kaya ng katawan ko na makipagsiksikan pa sa mga estudyante. Hanggang sa unti-unti silang nabasawan at saka ko lamang nasilayan ang malapad na likod ni Lincoln. Magmamadali na sana akong lumabas ng building upang hindi na niya ako makita, ngunit nagulat ako nang biglang nangibabaw ang punong-puno ng galit na boses niya kahit na ang daming bulungan sa paligid. "Who did this to her?" Iyon ang eksaktong mga salitang narinig ko mula kay Lincoln. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang hitsura niya, but I'm sure, base sa tono ng boses niya, that he was fuming mad. Napatingin ako sa bulletin board na pinagkakaguluhan ng mga estudyante. Nakita ko mula roon na lumipad ang ilang mga litrato na nakadikit doon. Nalaglag ang iilan sa mga iyon hindi kalayuan sa akin. At halos manlambot ang aking mga tuhod nang makita ang mga kuhang larawan noong araw na ginulpi ako nina Thania at Tamara, pati na ang kanilang underlings. I am in those photos. Mga kuha noong halos hindi na ako makatayo sa sobrang bugbog na natamo ko. Sinong kumuha ng mga litratong iyon? And why did they post it here—to create chaos? Napatingin ako muli sa harapan kung nasaan si Lincoln. Hindi na ako makagalaw. I'm sure na nakita na niya ang mga larawan, kaya galit na galit siya ngayon. Ito ang pinaka-kinatatakutan kong mangyari ngayon, pero nangyayari na nga talaga sa harapan ko pa mismo. "Who dared to touch my woman and treat her like garbage?" narinig kong muling tanong ni Lincoln sa mga estudyante sa paligid niya ngunit wala naman ding may ideya kung ano talaga ang nangyari noong araw na iyan. Tanging ang buong klase lamang nina Thania at Tamara ang nakasaksi, but it looked like they successfully shut them up. But who posted these photos? Pinulot ko ang mga litrato na nasa sahig at saka ko iyon isa-isang tiningnan. Mukha talaga akong kawawa sa mga litratong iyon at malinaw sa mga kuha na may mga nanakit sa akin, hindi lamang nakalitaw ang mga hitsura nila. Huminga muna ako nang malalim bago ako naglakad papalapit kay Lincoln. Hindi pa man ako nakakalimang hakbang ay napalingon na siya sa 'kin sapagkat naramdaman niya ang presensya ko. At kita ko sa pagmumukha niya na halos gumuho ang mundo niya nang makita niya sa personal ang kalagayan ko. Hindi lamang sa litrato, kung hindi sa harap niya mismo. Ang mga mata niya ay bahagyang nanlaki nang makita ang hitsura ko, ngunit mas nangibabaw sa kanya ang galit. Napaigting ang kanyang mga panga sa galit. Naglakad siya papalapit sa akin nang makabawi siya mula sa pagkakabigla, at pagkatapos ay niyakap ako nang mahigpit. Masakit pa ang buong katawan ko, ngunit hindi ko masyadong nararamdaman ang mga iyon dahil mas makirot ang puso ko noong mga oras na iyon. "Astrid, I'm sorry..." Paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin kahit na wala naman siyang kasalanan. "Dapat nandoon ako upang protektahan ka. I'm really sorry." Dahil doon, bumagsak na rin ang mga luha na pilit kong pinipigilan ilang araw na ang nakalilipas. Ngayon pa lamang bumuhos ang halu-halong emosyon ko na tinatago ko sa lahat. But I never blamed Lincoln nang dahil sa nangyari sa akin. Nalaman ko mula sa klase niya na hindi siya pumasok noong araw na iyon dahil may importante raw siyang ginawa. He couldn't come to me kahit gustuhin niya pa dahil something urgent came up. "I'll kill them," nagtitimpi niyang sabi habang yakap-yakap ako. Nanginginig ang kanyang katawan sa sobrang galit, ngunit nawala iyon bigla nang yakapin ko siya pabalik. "Shh... it's fine," bulong ko sa kanya. He has finally calmed down, but that didn't mean na mapipigilan ko siya sa paghihiganti niya para sa 'kin. Ah! Ito ang dahilan kung bakit ayaw kong malaman niya ang tungkol sa nangyari. Things will surely get messy later.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD