Tahimik ang paligid ng warehouse district—iyong klaseng katahimikan na masyadong perpekto para maging totoo. Alam na agad ni Psalm Rasgild na may mali.
Hindi dahil may nakita siya. Kundi dahil walang tunog. Walang aso. Walang trak. Walang tao. At sa mundong kinalakhan niya, ang katahimikan ay kadalasang senyales ng paparating na kaguluhan.
Huminto siya sa gitna ng bodega, ang mga kahon ng shipment ay nakahilera sa paligid. Ilan sa mga tauhan niya ang nagbabantay, may hawak na flashlight, halatang tensiyonado.
Lumapit si Bruno na mababa ang boses.
“Boss… kulang ang laman ng dalawang truck. Binuksan na bago pa makarating dito.”
Bumaba ang tingin ni Psalm sa isang kahon. Dahan-dahan niya itong binuksan.
Walang laman. Isinara niya ito nang mariin at napamura
“Hindi ito simpleng nakawan,” malamig niyang sabi. “May gustong magpakilala.”
Parang sinagot naman kaagad ang sinabi niya. Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa kanang bahagi ng bodega. Tumilapon ang mga piraso ng bakal at kahoy. Napatumba ang dalawa sa mga tauhan niya.
“AMBUSH!” sigaw ng isa.
Sunod-sunod ang putok ng baril mula sa dilim, parang ulan na bumabagsak sa bubong ng bodega.
“Cover!” sigaw ni Bruno.
Nagsipagtakbuhan ang ilan, humanap ng masisilungan. Pero si Psalm? Hindi siya umatras. Sa halip, umabante siya sa direksyon ng putukan.
Lumabas mula sa anino ang tatlong armado, mabilis ang galaw, malinaw na sanay sa ganitong uri ng laban.
“Hanapin niyo si Rasgild—“ sigaw nu’ng isa.
Hindi na siya natapos la nang sumugod si Psalm na parang bagyong pinakawalan.
Isang suntok diretso sa panga. Narinig ang tunog ng butong nabasag. Bumagsak ang lalaki bago pa man ito makapagpaputok.
Sumubok ang ikalawa na umatras at itutok ang sandata pero nahila siya ni Psalm sa kwelyo saka itinulak sa metal rack, at walang pag-aatubiling pinagsusuntok ang sikmura at dibdib nito hanggang sa mawalan ng lakas ang mga paa.
Binitawan niya ito na parang basahan.
Sumugod ang ikatlo mula sa likuran. Mabilis na yumuko si Psalm, umiwas, saka inagaw ang patalim ng kalaban. Isang mabilis na galaw. Isang ungol ng sakit. Bumagsak ang katawan sa sahig.
“Boss! Kaliwa!” sigaw ni Bruno.
May limang lalaking papasok mula sa bukas na pinto ng bodega. Hindi nag-atubili si Psalm.
Kinuha niya ang sandatang nahulog sa sahig at sumulong, hindi para magtago kundi para salubungin ang mga ito. Sobra siyang nagagalit ngayon. Dapat ngayon ay nagpapahinga siya katabi si Lara.
Isa, dalawang putok saka tumilapon ang isang kalaban sa pader. Ang isa ay sumubok umatras pero nahagip ng sipa ni Psalm sa dibdib, dahilan para bumagsak ito sa sahig na hingal na hingal.
Sumugod ang dalawa nang sabay.
Hindi umatras si Psalm. Hinarap niya ang una, sinunggaban sa balikat, at literal na inihagis papunta sa kasama nito.
Nagsalpukan sila sa sahig.
May sumabog na bala sa tabi niya. Tinamaan ang balikat niya.
“Bullshit!” aniya.
Ngunit ngumisi siya na parang mas lalo lang siyang nagising.
“Galing niyo,” malamig niyang sambit. “Pero kulang.”
Sumugod siya ulit. Hindi siya gumagalaw na parang sundalo. Gumagalaw siya na parang hayop na sanay sa survival.
Diretso. Walang arte. Walang awa.
Sa bawat suntok ay may bumabagsak.
Sa bawat hakbang ay may umaatras.
Hanggang sa tumigil ang putukan at huminto ang ingay. At ang natira na lang ay ang ungol ng mga sugatan at ang mabigat na paghinga ng mga natitirang tauhan.
Tahimik ulit ang bodega.
Humakbang si Bruno palapit, bakas sa mukha ang pag-aalala.
“Boss… may tama ka.”
Tumingin si Psalm sa balikat niya na may bahid ng dugo.
“Hindi na ‘to bago,” sagot niya. “May mas malala pa akong dinaanan. Buti nga sa balikat lang ‘yan. Medyo malayo sa bituka pero malapit sa puso,” aniya at natawa pa. Napailing na lamang si Bruno.
Lumapit ang isa sa mga tauhan niya na nanginginig ang boses.
“Boss… may iniwan sila.”
Inabot ang isang cellphone.
Pinindot ni Psalm ang screen at may video.
Sa screen ay lumitaw ang simbolo ng Centuri Familia—isang pulang selyo na may guhit ng dugo.
Isang boses ang nagsalita, malamig at may halong pang-aasar.
“Akala namin nagretiro ka na, Rasgild.
Tahimik ka nang namumuhay sa kung saan-saan. Pero mukhang gusto mo pa ring bumalik sa laro.”
Nagbago ang ekspresyon ni Psalm.
Hindi galit. Mas delikado. Gayong kalmado siya ay lalong nakakatakot ito.
“Ang susunod, hindi na kargamento.
Gusto naming makita kung gaano ka kahusay magprotekta ng mga mahalaga sa ’yo.”
Pinatay ni Psalm ang video.
Tumahimik siya sandali. Saka siya nagsalita.
“Maling-mali ang pinili nilang laro.”
“Boss,” maingat na sambit ni Bruno, “kung mag-escalate ‘to baka madamay ang—”
Alam na nila pareho kung sino ang tinutukoy. Ang lugar na tinutuluyan niya ngayon. Ang mga taong walang ideya kung gaano kalapit ang panganib sa kanila.
Mariing tumingin si Psalm kay Bruno.
“Walang lalapit doon.”
“Pero boss—”
“Ako ang lalapit sa kanila,” madiin niyang utos. “Ilayo mo ang mga tao. Linisin ang galaw natin. Walang bakas na hahantong sa barangay na ‘yon.”
Tumango si Bruno.
“Susunod sila sa’yo. Tulad ng dati.”
Huminga nang malalim si Psalm at muling tumingin sa kaguluhan sa paligid.
Kanina lang, iniisip niya kung paano umiwas sa tanong ni Lara tungkol sa almusal. Kung paano tumakas sa kwento ni Cora. Kung paano manatiling si Markus Alonzo sa harap nila.
Ngayon ay numalik na naman siya sa mundong hindi kailanman tumitigil sa paghahabol sa kaniya.
“At Bruno,” dagdag niya, mababa at malamig ang boses, “kapag may sinuman sa Centuri ang magtangkang lumapit sa kanila…”
Hindi na niya tinapos ang pangungusap.
Hindi na kailangan.
Tumango si Bruno. “Hindi sila aabot doon.”
At sa gabing iyon, muling gumalaw ang pangalang matagal nang kinatatakutan sa ilalim ng siyudad. Hindi na si Markus Alonzo.
Kundi si Psalm Rasgild. The feared one. Kung kintatakutan ang ama at lolo niya noon. He’s more than that. Si Bruno lang ang may alam ng lahat. Psalm is not a good man, period.
Madaling-araw nang dumating ang itim na sasakyan sa liblib na safehouse sa gilid ng siyudad. Tahimik ang paligid, pero ramdam sa hangin ang tensyon—iyong klaseng tensyon na hindi nawawala kahit walang putukan.
Nakatayo si Psalm sa may bintana, nakasindi ang isang sigarilyo na matagal nang hindi niya hinihithit dahil tinitiis niya ang sigarilyo na peke na binebenta ni Lara. Nakatitig siya sa dilim, parang may binabasang digmaan sa kawalan.
Bumukas ang pinto sa likuran niya.
Hindi na siya lumingon.
“Late ka,” malamig niyang sabi saka bumuga ng usok.
“Sinadya,” sagot ng boses na kaparehong-kapareho ng tono niya pero mas may halong panunuya. “Ayokong masundan ako.”
Lumapit ang lalaki at huminto sa tapat niya. Si Percival Rasgild. Ang kambal niya.
Parehong mukha. Parehong tindig.
Parehong matang sanay tumingin sa kamatayan na parang karaniwang tanawin lang.
Ang kaibahan lang—si Percival ay laging may bahagyang ngiti sa labi, iyong klase ng ngiting nagsasabing masaya siyang may gulo.
“Totoo nga ang balita,” sambit ni Percival. “Tinamaan ang shipment mo.”
“Hindi lang tinamaan,” sagot ni Psalm. “Sinubukan nila akong sindakin.”
Napangisi si Percival. “Ang tapang ng Centuri. Parang gusto nilang mapansin.”
“Napansin na sila.”
Tumigil si Percival sa tapat ng mesa at inilapag ang isang folder.
“Hindi lang ‘yan ang galaw nila,” seryoso niyang dagdag. “May tatlong galaw sa south port, dalawang meeting sa underground exchange, at may bagong supplier silang kinukuha. Ibig sabihin, naghahanda sila ng mas malaki.”
Humakbang si Psalm palapit sa mesa at binuksan ang folder.
“Gusto nila ng digmaan,” mababa niyang sambit.
“O gusto nilang makita kung humina ka na,” sagot ni Percival. “Balita sa ilalim—may nagsasabing nagtatago ka raw sa probinsya, naglalaro ng normal life. Mukhang iba ang basa nila sa ginagawa mo.”
Bahagyang kumislot ang panga ni Psalm.
“Normal life?” ulit ni Percival, nakangisi. “Ikaw? Hindi ka marunong maging normal.”
“Hindi ko kailangan ng tsismis,” malamig na putol ni Psalm. “Kailangan ko ng resulta.”
Sumandal si Percival sa mesa. “Resulta? Gusto mo bang tapusin na natin ‘to ngayon pa lang?”
“Hindi pa muna.”
Napatingin si Percival sa kaniya. “May iniingatan ka.”
Tahimik si Psalm.
At sa katahimikang iyon, alam na agad ni Percival ang sagot.
“Tsk,” marahang tawa niya. “So totoo nga. May lugar kang ayaw madamay. Hell bro, akala ko tatanda kang binata. Ano na ang nangyari sa saying mong catch and taste till it became a waste,” anito at natatawa pa.
Hindi pa rin nagsalita si Psalm.
Mas lalong ngumisi si Percival. “Interesting. Kailan ka pa naging maingat sa collateral damage?”
“Hindi sila parte ng mundo natin,” madiin na sagot ni Psalm. “At mananatili silang gano’n.”
“Alam mo naman ang kalakaran,” seryoso na ang boses ni Percival. “Kapag may nalaman ang kalaban na may kahinaan ka—”
“Walang kahinaan,” putol ni Psalm. “May hangganan lang.”
Sandaling nagkatitigan ang magkapatid.
Parehong hindi umuurong.
Parehong sanay sa ganitong titigan—iyong klaseng walang takot, walang pag-aalinlangan, at walang planong umatras.
“Kung gano’n,” dahan-dahang sabi ni Percival, “kailangan nating tapusin ang Centuri bago nila maisip na hanapin ang tinatago mo.”
Tumango si Psalm. “Iyon din ang plano ko.”
“Good,” sagot ni Percival. “Kasi kung aabot pa ‘to sa turf war, mas mahirap mo nang mapipigilan.”
“Hindi sila makakarating doon,” sagot ni Psalm. “Ako ang pupunta sa kanila.”
Napangisi si Percival. “Ay, gusto ko ‘yan. Old-school Rasgild style.”
Tahimik sandali. Saka nagsalita si Percival muli, mas mababa ang boses.
“Alam mo bang ilang taon nang naghihintay ang mga pamilya sa ilalim para bumalik ka sa pwesto mo nang buo?”
“Hindi ko iniwan ang pwesto ko,” sagot ni Psalm. “Inilayo ko lang ang sarili ko sa gulo na hindi ko kailangang galawan.”
“Pero ngayon?” tanong ni Percival.
Ngumisi si Psalm—hindi masaya, kundi mapanganib.
“Ngayon,” sagot niya, “may gumising ulit sa akin.”
Tumango si Percival. “So ano ang utos mo, kapatid?”
“Unahin natin ang supply line nila,” mabilis at diretso ang sagot ni Psalm. “Putulin ang daloy. Ihiwalay ang mga tao nila. At kapag nagkagulo na—”
“Doon tayo papasok,” dugtong ni Percival.
“Diretso sa ulo,” dagdag ni Psalm.
Napatawa nang mahina si Percival. “Pareho pa rin tayo mag-isip. Kaya nga ayaw kitang kalaban.”
“Tiyakin mong walang makakapagsubaybay sa akin pabalik,” seryoso niyang utos. “Ayokong may aninong susunod sa maling lugar.”
“Relax,” sagot ni Percival. “Kahit multo, maliligaw sa galaw ko.”
Tahimik ulit sila.
Magkapatid.
Magkaaway ng mundo.
Magkaisa kapag digmaan na ang usapan.
“Psalm,” biglang sabi ni Percival, mas seryoso na ngayon, “kapag natapos ‘to… babalik ka ba sa dati mong buhay?”
Saglit na natigilan si Psalm.
Isang segundo lang.
Pero sapat para mapansin ng kambal niya.
“Hindi ko alam,” tapat niyang sagot. “Sa ngayon, may kailangang protektahan.”
Napangiti si Percival. “Mukhang mas delikado ka ngayon kaysa noon.”
“Baka,” sagot ni Psalm. “Pero mas sigurado ang gagawin ko.”
Tumango si Percival at tumayo nang tuwid.
“Sige. Simulan na natin ang pangangaso.”
Sumunod na tumayo si Psalm.
At sa sandaling iyon, hindi na sila boarder at mekaniko. Hindi na sila nagtatago.
Dalawa na naman silang Rasgild— mga lalaking hindi tinatakasan ang digmaan, kundi sila ang hinahanap kapag may kailangang wasakin.
Madilim ang loob ng safehouse, tanging ilaw ng mesa lang ang nagbibigay-liwanag sa mapa ng siyudad na nakalatag sa harap nina Psalm at Percival.
May mga pulang marka.
May mga guhit.
May mga pangalan na matagal nang binura sa mundo ng batas.
Nakaupo si Psalm, nakasandal ang siko sa mesa, malamig ang tingin sa mga ruta ng galaw ng Centuri.
“May buntot ka,” seryosong sabi ni Percival. “Dalawang sasakyan ang nagpalit-palit ng distansya sa’yo kanina. Hindi sila umatake. Nagsusukat lang.”
“Gusto nilang sundan ako,” sagot ni Psalm. “Para malaman kung saan ako bumabalik.”
“At kung makita nila kung saan—” hindi na tinapos ni Percival.
“—doon sila aatake,” dugtong ni Psalm. “Kaya hindi ako babalik.”
Tahimik sandali ang kwarto.
“Magagalit ang mga tao mo sa area na ‘yon,” sabi ni Percival. “Bigla kang mawawala.”
“Mas mabuti na ‘yon kaysa may madamay,” sagot ni Psalm.
Tumayo si Bruno sa gilid. “Boss, kung hindi ka babalik, mas lalo silang maghihinala. Alam nilang may tinatago ka roon.”
“Malamang,” sagot ni Psalm. “Pero hindi nila makikita kung ano.”
Lumapit si Percival sa mapa at tinuro ang isang bahagi ng lungsod.
“Dito muna tayo lilipat. Mas madali nating makokontrol ang galaw ng Centuri mula rito.”
Tumango si Psalm. “At mas malapit sa supply line nila.”
“Exactly.”
Sumandal si Bruno sa pader. “So iiwan mo muna ang normal cover mo?”
Sandaling natigil ang kamay ni Psalm sa ibabaw ng mesa. Hindi siya sumagot agad.
“Pansamantala lang,” mababa niyang sabi. “Hangga’t hindi tapos ang Centuri.”
“Alam mo bang kapag nalaman nilang buhay ka pa sa larong ‘to—” sabi ni Percival, “mas lalakas ang loob ng iba pang pamilya na gumalaw ulit?”
“Hayaan na muna sila,” sagot ni Psalm. “Mas mabuti nang sabay-sabay kaysa paisa-isa.”
Napangiti si Percival. “Talagang Rasgild ka nga.”
Biglang may pumasok na tauhan, halatang nagmamadali.
“Boss! May movement sa east docks. Tatlong truck ng Centuri ang umalis. Mabigat ang karga.”
Umangat ang tingin ni Psalm. “Iyan na.”
“Ambush?” tanong ni Bruno.
“Hindi,” sagot ni Psalm. “I-cut natin ang likod nila.”
Napakunot ang noo ni Percival. “Gusto mo silang painin palabas.”
“Gusto kong isipin nilang panalo sila,” sagot ni Psalm. “Hanggang sa makapasok tayo sa gitna.”
Tahimik ang lahat sandali.
Alam nilang delikado ang plano.
Pero wala ni isa ang umangal.
“Boss,” seryosong sabi ni Bruno, “kapag pumasok tayo riyan, siguradong magkakagulo. Walang tahimik na lalabasan.”
“Hindi ko hinahanap ang tahimik,” sagot ni Psalm. “Hinahanap ko ang katapusan.”
Tumayo siya at kinuha ang itim na jacket na nakasabit sa upuan.
“Simulan na natin,” utos niya.
SA ILALIM NG SYUDAD
Mabilis ang galaw ng mga sasakyan sa madidilim na kalsada. Walang ilaw. Walang sirena. Tahimik pero mabigat ang hangin.
Sa loob ng isa sa mga sasakyan, tahimik si Psalm. Nakatingin sa labas, pero ang isip ay nasa unahan na ng laban.
“Psalm,” sabi ni Percival mula sa kabilang upuan, “kapag natapos natin ‘to babalikan mo ba talaga ang cover mo?”
Hindi sumagot si Psalm agad.
“Hindi ko iiwan ang hindi ko pa tinatapos,” sagot niya sa huli.
Napangiti si Percival. “Good. Kasi sa totoo lang, curious akong makita ang babaeng kayang gawing disiplinahin ang isang Rasgild.”
“Tumahimik ka,” malamig na sabi ni Psalm.
Tumawa si Percival. “May tama na talaga.”
Sa may dockyard, bumagal ang convoy ng Centuri trucks habang pumapasok sa mas makitid na bahagi ng daan.
At doon sumabog ang gulo.
Mula sa magkabilang gilid, sabay-sabay lumabas ang mga tauhan ni Psalm.
Putok. Sigawan. Kaguluhan.
“GO!” sigaw ni Bruno.
Tumalon si Psalm palabas ng sasakyan bago pa man ito tuluyang huminto.
Diretso siyang sumugod sa unahan ng convoy.
Isang kalaban ang sumubok humarang pero binigyan niya lang ng isang suntok sa lalamunan. Saka isang sipa sa tuhod na kaagad nitong ikinabagsak.
Kinuha niya ang sandata ng bumagsak at tinutok sa susunod na papalapit. Hindi siya nagmamadali.
Parang alam niyang sa gabing iyon, walang makakatakas.
“Nandito si Rasgild!” sigaw ng isa sa mga tauhan ng Centuri.
Parang imbitasyon iyon.
Lumabas si Psalm sa liwanag ng streetlamp, duguan ang jacket, malamig ang mata.
“Ako ‘to,” sabi niya. “Lumapit kayo.”
At lumapit sila.
At doon nila napagtanto ang pagkakamali.
Humihingal ang ilan sa mga tauhan ni Psalm. May sugatan. May duguan.
Pero ang convoy ng Centuri?
Wasak.
Lumapit si Percival kay Psalm.
“Hindi pa ‘to ang dulo.”
“Hindi,” sagot ni Psalm. “Simula pa lang.”
Lumapit si Bruno. “Boss… confirmed. Alam na nilang bumalik ka.”
Sumulyap si Psalm sa dilim.
“Mas mabuti. Hindi na ako magtatago.”
Saglit siyang natahimik.
At sa unang pagkakataon mula nang magsimula ang gabing iyon, pumasok sa isip niya ang isang maliit na tindahan, isang maingay na babae, babaeng walang ataw noon na hindi nagpapapansin sa kaniya.
“Wala akong pakialam kung mamatay ako noon, pero ngayon kailangan kong mabuhay. Ang sakit pa rin ng puson ko pota!” aniya at napabuga nang marahas.
Napalingon naman si Percival sa kaniya. Halatang hindi makapaniwala sa kaniyang narinig.
“What?” galit na sambit ni Percival.
“Balikan mo na kasi, kaya pala mainit ulo wh. Hindi nakasuka si ulo number two. Nilag at ‘yan I’m sure,” ani ng kambal niya at tinawanan pa siya.
“Hangga’t hindi tapos ang laban na ‘to,” malamig niyang sabi, “hindi ako babalik doon.”
“Para sa kanila,” dugtong ni Percival.
“Para sa lahat,” sagot ni Psalm.
Para na rin sa puson niyang para siyang kinukurot sa sakit.
“What’s that?” takang tanong ni Percival kay Psalm nang makita ang parang jelly na hawak nito.
Nipple pad iyon.
“Lucky charm,” sagot niya at sininghot iyon sama ngumiti.
“You look like a pervert,” komento ni Percival.
“Shut up!” aniya at nauna na.