Mag-isa ako sa kwarto habang nakahiga sa kama at nakatitig sa kisame. Hindi ko alam kung gaano na katagal. Parang huminto ang oras. Parang natigil ang mundo. Tahimik ang paligid pero ang utak ko ay sobrang ingay. Paulit-ulit, paikot-ikot. Parang sirang plaka. “Si Adam ang hinahanap ko. Si Adam ang Ghost. Mas masahol pa siya sa akin.” Bumalik ang mga salita ni Psalm nang paulit-ulit sa utak ko. Parang martilyong tumatama sa dibdib ko. Pinikit ko ang mga mata ko saka huminga nang malalim. Ilang ulit kong ginawa iyon. Pero hindi nawawala ang bigat. Unti-unti ay may mga alaala na dati kong binalewala. Na dati kong inignore. Na dati kong inisip na wala lang. Isa-isa silang bumabalik na parang puzzle. Na ngayon ko lang nakitang buo. Naalala ko kung paano siya laging alert. Laging nakating

