Akala ko makakalusot ako, akala ko makakauwi ako nang tahimik, akala ko makakapag-ayos ako ng buhok o makakapagpalit ng damit. Makakapagkunwaring walang nangyari pero mali pala ako. Pagdating ko sa bahay ni Psalm, nasa sala siya na nakaupo at may hawak na cellphone. Nakakunot ang noo at mukhang nagbabasa ng bad news. Pagkakita niya sa akin, ay bigla siyang tumayo at napatingin siya sa ulo ko. Napatingin siya sa buhok ko, sa mukha ko, sa damit ko. Paulit-ulit na parang scanner. “Lara…” sabi niya. “Bakit mukha kang dinaanan ng bagyo?” Napahinto ako at automatic kong inayos ang buhok ko. “Kasi…ah… mainit kasi,” sagot ko. “Pawis lang ‘to, alam mo na.” “Pawis? Na may kasamang sabunot?” ulit niya. Napaubo ako. “Ha?” sagot ko. “A-ano ba ‘yang sinasabi mo?” Lumapit siya saka hinawakan

