Chapter 1 (Encounter)

4361 Words
August 02, 2018     "Oy Eunice! San ka pupunta?" rinig kong sigaw ni Rachel sa likod ko.   "Sa faculty, Ihahatid ko tong papers kay Sir."   Napatingin ako sa activity papers na hawak ko at binilang ito. Baka mamaya may naiwan akong papel. "Ah sige, sama ako." ngisi niya sabay akbay sa akin. Nasa hallway kami ngayon naglalakad patungo sa faculty room.   "Hala te! Andito siya." tili niya kaya napahinto kami saglit.   "Sino?" napalingon ako sa turo ni Rachel doon sa kabilang hallway.   It's a boy, tumatawa siya habang may kausap na mukhang kakilala ko.     "Yung transferee na kinekwento ko sayo kahapon! Yung sa section A! Grabe Eunice! Magtotwo months na di mo pa rin siya kilala?"   Ganun ba siya kasikat? Uso pa rin ba yan hanggang ngayon?   "Alam mo ba! Ang talino daw niyan grabe" bulong pa niya.   Well, hindi ko rin siya masisisi. Nasa Public Highschool kami, kaya hindi ko ineexpect na may magtatransfer pa rin dito sa huling taon ng junior high. Na pogi pa.   Napatingin ako sa lalaking iyon at hindi ko namalayan na napatitig na pala ako sa kanya.   Maganda siya ngumiti, matangos ang ilong, at may magandang pangangatawan. Mukhang nagwoworkout.   He also has a nice appearance. He looks attractive and clean.   Wow, he's my ideal man. My type.   I laughed at my silly thoughts at ipinikit ang aking mata. Dinadama ang simoy ng hangin.   Nang idilat ko ang aking mata, I didn't expect it.   He's looking at me, staring. Napahinto siya sa pagtawa nang magtama ang aming paningin.   Napatitig ako sa kanya. I feel like the world had stopped for a moment, na hindi ko man lang nararamdaman ang mga nasa paligid ko.   Napahinto ako bigla, dahil sa mabilis na kabog ng dibdib ko.   What the hell? Anong nangyayari?   Hindi ko maalis ang paningin ko, na tila hinihigop ako ng mga mata niya.   I must stop, I must look away.   "Oy Eunice! Hoy!" napapikit ako sa gulat sa biglaang sigaw ni Rachel sa tenga ko.   Huminga ako nang malalim at napalingon sa kanya.   "Anyare sayo? Okay, ka lang?"   Tumango lamang ako sa kanya bilang pagtugon. Namamalik mata lang ata ako. Bwisit, kakabasa ko to ng mga pocketbooks eh.   Wake up Eunice, we're in reality.   Napalingon ulit ako sa lalaking iyon ngunit wala na sa akin ang atensyon niya at tumatawa na ulit siya habang kausap ang kasama niya.   Napabuntong hininga ako.   I'm just imagining things.   But I didn't know that at that moment.  That it will be the beginning of a series of unexpected happenings in my life. Of me, experiencing falling in love for the first time and having my first love story.     ***   I am Eunice Velasco. 15 years old, currently enrolled at Saint Laura Public Highschool as a Grade 10-B student.   My appearance? Hmm. Medyo maganda na hindi maganda.   I have nice long black straight hair, thin lips, a round face, and have an average size of nose and eyes. Maputi ang balat at tama ang tangkad.   I'm really pretty. Pretty average.   Honor student since kindergarten.   Kaya naman mahirap ng pabayaan ko ang aking pag-aaral ngayon dahil sa expectation na binuo ko para sa parents ko.   My love life? I have strict parents so yeah. No boyfriend since birth. Also, I don't think I had ever crush on someone.   "Ano nangyare sayo kanina? Bakit ka nakatulala?" tanong ni Rachel habang papalapit na kami sa faculty.   Rachel is my best friend and my classmate. Kyut siya.   Lalo na sa suot niyang glasses sa mabilugan niyang mata, short hair, and short height.   Napakadaldal niya talaga, para siyang sirang plaka. But that's what I like about her   She knows everything. Uhaw yan sa impormasyon.   "Wala, nagutom lang." tawa ko pa.   But she just looks at me weirdly saka kami pumasok sa room.   "Goodmorning Sir, Goodmorning Ma'am" sabay naming bati.   Tumingin ako sa paligid para hanapin ang desk ng aking guro. Mukhang wala pa si Sir.   Agad akong pumunta saka inilapag ang mga activity papers at umalis agad.   "Eunice! Tara kain tayo sa canteen" "Ayoko." walang ganang tugon ko.   "Ha? Akala ko ba nagugutom ka." takang tanong niya.   "Kanina yun, nalipasan na ako." walang kwentang sagot ko.   "Edi samahan mo na lang ako."   "Ayoko nga" atungal ko pa.   "Lilibre kita."   "Tara" sabi ko at hinila ang kamay niya.   "Yan! Diyan ka magaling! Buraot ka talagang babae ka!"   "Hahahaha."   Habang kami ay lumalamon ng tinapay sa canteen ay napahinto kami sa tunog ng bell.   "Hala p*ta, Bell na!" sabay naming tayo ni Rachel.   Nagkatinginan naman kami ni Rachel at sabay kaming ngumisi.   "Kung sinong unang makarating sa room, manlilibre ng ice cream!" sabi ko at nagthumbs up siya.   "Deal!"   "Ready! Go!"   Ngunit wala pa kami sa 2nd floor ay hingal na hingal na agad kami.   "Bakit kasi 4th floor pa room natin?" inis na sabi ni Rachel.   "Ewan ko, tanong mo sa Admin." seryosong sabi ko sa sa kanya at agad na tumakbo paakyat.   "Ha! Korni mo!" sigaw pa niya sa aking likuran ngunit tinawanan ko na lamang siya.   Napamaang naman akong napatitig sa kanya. Di naman ako nagjojoke ah?   "Hala bwisit."   Ako nga nauna, pero..   Paano kami makakapasok? May teacher na! "Hoy! Ang bilis mo naman!" sigaw pa ni Rachel   "Sssshhhh!" agad kong tinakip ang bibig niya.   Ang liit na tao, ang hilig sumigaw!   Hindi siya napansin ng Teacher namin dahil busy itong nagsusulat sa green board.   "Doon tayo sa likod!" sabi ko at dahan dahan kaming yumuko at naglakad papunta sa likod na pintuan.   "Nick! Psstt! Nick!" mahinang tawag ko kay Nick na nakaupo malapit sa pintuan sa likod.   May window kasi sa tabi ng pinto.   Pero bwisit naman, tulog pa ang loko.   Agad kong nilusot ang kamay ko at sabay siyang binatukan.   "Aray p*otangina." mahinang sabi niya at agad na tumingin sa akin.   Pero pinadilatan ko lang siya ng mata saka inabot ang tinapay ko sa kanya.   Agad naman siyang nagising at unti unting binuksan ang pinto para kami'y papasukin.   Unti unti kaming pumasok at umupo sa katabing upuan. Thank God, di kami napansin.Tumabi ako kay Nick at tumabi sa akin si Rachel.   "Anong palaman neto?" bulong niya sa tabi ko.   "Peanut." straight na sagot ko habang tumitingin sa lesson sa board. Science class pala namin ngayon.   "Peanut? Kadiri dapat mayoinnaise!" mahinang singhal niya.   "Edi wag mong kainin, akin na lang yan." inis na sabi ko pero tinaas niya ang kamay niya at tumawa.   "Hahaha. Joke lang, favorite ko rin kaya peanut." sabi niya at kinagatan ang tinapay.   Hindi ko na siya pinansin at nagfocus na sa lesson.     *Bell rings*   "Nice uwian na!" masiglang sabi ni Rachel.   "Yung ice cream ko ah." asar ko sa kanya habang inaayos ang mga gamit ko sa bag.   "Buraot!" sigaw na naman niya.   "Guys guys listen. May announcement si President."   Napahinto kami sa ginagawa namin nang magsalita si Shea, ang aming secretary.   "Ano ba yan"   "Heh. Gusto ko na umuwi"   Bulungan ng mga kaklase ko pero napahinto sila ng hinampas ni President ang table.   "Magkakaroon tayo ng seminar next week, Monday. Whole day siya, so sino gusto pumunta? Apat ang kailangan." sabi ni Daniela, ang aming President.   "Excuse na yan sa klase Ms. President?" tanong ni Ralph, isa sa mga kaklase ko.   Tumango si Daniela.   "Yes, Ako, Shea, and Marvin ang pupunta need na lang namin ng isa."   "Ako President!" malakas na sabi ni James at nagtaas ng kamay. Isa siya sa mga pasaway na kaklase ko na hindi mahilig mag-aral.   "We need honor student." straight na sabi ni Daniela at nagtawanan ang mga kaklase ko.   Napatingin naman ako kay Nick na tapos ng mag-ayos ng bag at agad tumayo na tila walang pakialam sa nagsasalita sa harapan.   "Hahaha. Honor student daw James!" asar ng isa kong kaklase.   "Eh ano naman! Number is just a grade!" mayabang na sabi niya kaya nagtawanan pa lalo ang mga kaklase ko.   "G*go! Grade is just a number yun!" sigaw ng isa kong kaklase habang tumatawa. "Psh." galit na umupo pabalik si James.   Nilibot ni Daniela ang kanyang paningin hanggang sa magtama ang mata namin.   Hala bwisit.   "Ms. Velasco, gusto mo sumama?" nakangiting sabi niya.   Napakamot na lamang ako sa ulo dahil alam kong hindi ako makakatanggi.   "Sure haha" pilit kong tawa.   "Sama ako." napabaling ang tingin namin kay Nick na nakataas ang kamay at nasa tapat na ng pinto. Handa na lumabas ah.   "Oy Nick, honor student lang daw!" sigaw naman ni Ralph at nagtawanan ang mga estudyante.   "Sorry Nick, apat na kami eh." biglang singit ni Shea.   "Tch" sabi niya at sabay lumabas.   "Anyare dun?" bulong ni Rachel sa akin.   I just shrugged and mind my own business saka ko inayos ang aking gamit at sabay na lumabas kasama si Rachel.   ***   Umuwi agad ako at nilapag ang bag sa aking kama.   I open my cellphone to use f*******: and browse my newsfeed as usual.   Napahinto ako ng may nakitang pamilyar na mukha sa isang post.   JHS Files   Shout out po pala kay Kuya! Ano pong name niyo? Ang pogi niyo po!~   (an image)   posted 1 hr ago.   It's that boy, nakaside view ang picture at mukhang kinuha to ng di niya namamalayan. Look at that face, tsk tsk what an attractive person. At dahil nacurious ako ay pinindot ko ang post at nagbasa ng comments.     View Comments   Mariz Oz  Kilala ko yan! Transferee yan sa Grade 10-A. Sheena Gomez Hala sino yan? Ang gwapo!   Paolo Mendez Pre Callisto, sikat ka na!     Callisto? What an odd name.   I'm just curious so..   Pinindot ko ang profile niya.   His name is Callisto Perez, 16 yrs old. Nakitira siya sa Cavite before.   Oww he's a private person. I don't see much anything about him on f*******:. Mukhang madalang lang siya magpost ng selca.   Should I add him?   No! I'm not going to do that. He should be the one to add me.   "Wow, ang tangos talaga ng ilong niya." wala sa sariling puri ko.   May Twitter kaya siya? How about i********:? I lay down in my bed as I've searched for him on different social media platforms.   Pero wala akong nakita. I sighed.   Wait, did I just get disappointed?   "What the hell."   Did I just stalk him?   Hinagis ko ang phone ko at napatakip ng mukha. I sighed again.   Seriously, Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin.   "Magrereview na lang ako." napabangon ako at kinuha ang aking bag.   *ding*   "Sino yun?" I looked at my phone and open my chatbox. Oh. si Rachel.   Rachel: “Beb! Kasama ka sa seminar diba?”                                                                                                                                                                                   “Oo.:”   Rachel: “Shet Beb! Kasali din si Callisto!”                                                                                                                                                                                     Seen.:   Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Anong irereply ko?     Rachel: “Si Callisto yung nakita natin kanina. Yung sinasabi kong transferee sa section A! Beb!”                                                                                                                                                                            “ah ok.:”   Rachel: “Bat ang ikli naman ng reply mo!”                                                                                                                                                     “bakit gusto mo lsm?:”   Rachel: “Heh! Korni mo! Buraot!”   Tumawa na lang ako sa kanya saka nagsend ng goodnight emoji at naglogged out.     A seminar...     ***     August 06, 2018   It's a seminar day.   Damn, why do I sound like I've waited for this day to come?!   Tumayo ako agad at tumingin sa orasan namin. 6:36 am   Dahil hindi ako papasok sa klase ngayon, 8am pa ako need sa school. Advantage ng excuse.   My normal class starts from 6 am until 12 pm.   But this seminar's schedule will be 8 am-5 pm   Naligo agad ako at sinuot ang aking uniform at bumaba para kumain ng breakfast.   "Alis na po ako." magalang na sabi ko kay Mama.   "Ingat. May baon ka na?"   "Kasya pa po yung binigay niyo sa akin last week." nakangiti kong sabi at lumabas ng bahay.     Malapit lang ang school sa bahay namin at maaga pa dahil 7:27am palang naman.   "Bakit kasi ang aga ko." walang malay kong bulong.   Naglakad ako hanggang sa makarating ako sa gate ng school.   "Goodmorning" bati ko kay Kuyang Guard, bumati naman siya sa akin pabalik.   Pumasok ako agad at tumingin sa paligid at nag-isip kung saan ako pwedeng tumambay muna.   Oh right. Sa council room!   Don't get me wrong. I'm not a council member but another friend of mine.   She's the president and I'm sure na kasama siya sa seminar and she will be there earlier.   Masaya naman akong naglakad takbo hanggang sa makarating sa council room.   "Kathleen!" masayang bati ko agad pagkabukas ko ng pinto.   Sabi na eh! Nandito siya. Nice.   "Oh, Eunice!!!! Namiss kita!"  tumayo siya at niyakap ako.   Niyakap ko siya pabalik.   She's Kathleen Diaz, one of my close friends. Has medium black hair and a small pretty face. She's one of the beauties here. She's also an honor student.   She's the type of friend na clingy, sweet and friendly. By the way, she has a boyfriend.   "Halika, upo ka dito. Kumain ka na?" masayang tanong niya.   "Hmm. Salamat" tumango naman ako at ngumiti saka umupo.   We're classmates last year and we've become friends since then.   "Kumusta ka na? Namiss talaga kita sobra!" pacute pa niyang sabi.   Oh, God. Hindi pa rin siya nagbago.   "Okay lang, maganda pa din." sabi ko pa at ngumisi tumawa naman siya ng sobrang lakas! Kaya napaigtad ako.   "Wow kumakapal na mukha mo ah! Ang confident." asar niya sa akin habang tumatawa pero tinitigan ko lang siya ng masama.   Minsan na nga lang ako pumuri sa sarili ko, Bwisit.   "You should be a council member. Samahan mo ako!"   "Siguro next time, kapag hindi na ako busy. P-pagiisipan ko." Napatungo kong sabi.   "Hmp! Tinatamad ka lang eh." tampo niyang sabi, napangisi naman ako sa kanya dahil tama siya.   "Oh ano? Kumusta lovelife?" ngiti niyang tanong na sinamahan pa ng matukso niyang tingin.   Oh. She's also the type of friend who's always asking me about that thing whenever we meet.   Gusto niya kasi, hindi lang siya ang may jowa.  "Not interested." walang gana kong sagot, pero napahinto ako.   Sinabi ko yun pero may biglang mukhang sumagi sa isip ko! Bwisit talaga.   "Ganun." malungkot pa niyang sabi.   "Oh right! May irereto ako sayo!" biglang bago ng mood niya at masayang tumingin sa akin.   Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "Magtigil k--"   "Stop! Hep! Magugustuhan mo siya for sure!" she speaks like she's really sure about something.   Wow ha, ang confident.   "Sino?" curious kong tanong.   "Woah! Interesado ka? Wag kang mag-alala, malalaman mo mamaya." she winked.   If she's like that, I think I'll become interested in that boy.   Bakit? Because she knows me very well in terms of my ideal man or what kind of thing that makes me interested in something. She's an observant person. Bigla tuloy akong naexcite.   Magtigil ka nga Eunice!   Ideal man.. Hmmm..   *tok tok* (someone's knocking on the door)   "May bisita ka? Sino?" tatayo na sana ako para buksan ang pinto pero pinigilan niya ako agad.   "Oh, nandito na siya! Wag kang mag-alala, ako ng bahala," nakangiti niyang sabi.   Yan, yang ngiting yan ako kinakabahan, ngiting may masamang balak. Nandito na siya? Sino?   Umupo na lamang ako pabalik at kinuha ang aking earphone saka nakinig ng music.   "Eunice! Hey Eunice! Girl!" nagmamadali kong tinanggal ang aking earphone at aligagang napatayo.   "Teka teka! Ano ba--   I froze when I saw a familiar face. yun" Napatingin ako sa kanya. He's even more handsome in close.   Nangingibabaw ang kanyang matangos na ilong. Malinis siyang tingnan sa suot niyang uniform, at ngayong nakita ko siya ng malapitan, masasabi kong malinis siyang tao.   Yung tipong nahihiya pa ang dumi na kapitan siya.   "Hi."   Nakatayo siyang ilang na kinaway ang kamay.   And then it happens again.. my heart.. and this feeling that seems the time had stop for a moment.     ***   "Oh Hey" casual na kaway ko naman.   Bwisit, I feel awkward.   "Callisto! Ito yung sinasabi ko sayong favorite friend ko!!" masayang sabi naman ni Kath habang papunta sa akin.   "Siya si Eunice Velasco. 15 yrs old. Ganda niya no? Hihihi" sabi ni Kath sabay yakap sa akin.   Anong maganda? Loka talaga to.   Awkward naman akong ngumiti at dahan dahang napahawak sa batok ko.   "Hehehe."   Napatingin ako kay Kath saka ko siya pinanlakihan ng mata.   'Anong ginagawa mo?'  mahinang bulong ko sa kanya. Pero nginitian niya lang ako.   Callisto look at us nang may pagtataka.   Lumapit naman si Kath kay Callisto.   "Siya si Callisto Perez, 16 yrs old. Magkaklase kami, He's basically good at everything!! He's my childhood friend, but don't worry di ko siya type."  Kath said it while she winks at me playfully. Kath is trying to hug him, but he pushes her before she makes a contact.   "See? He's so maarte!! Napakacleanfreak niyan!"   "Don't mind her. Nice to meet you, Ms. Velasco." he smiled as he stretched his hand to form a handshake.   Inabot ko naman ito at ilang na ngumiti.   "Nice to meet you too." pilit na ngiting sabi ko.   Ang formal niya masyado.   Pagkatapos nun ay lumingon siya kay Kath.   "Oh? Bakit mo ako tinawag dito?"   Wow, look at him being formal and uninterested.   Btw, ang lambot ng kamay niya na daig pa ang babae. Mas malambot pa sa akin!   "Ah ano kasi, yung document.. na ano.. na yung sinasabi ko sayo kahapon? Need kasi yun mamaya para sa seminar.. Ahh ano."   Kath said as she awkwardly looks at me.   I just shrugged.   ¯_( ͠° ͟ʖ °͠ )_/¯   "Ano?" takang tanong niya habang nakakunot ang kanyang kilay.   "I mean! Pwedeng irevise mo tong document na to. Need ko yan mamaya ah! Bigay mo sa akin agad." She said as she randomly took a folder on her table.   Tiningnan niya lang yung document at kinuha saka mabilis na pumunta sa pinto.   "W-wait! San ka pupunta?" pigil naman sa kanya ni Kath.   "Pupuntahan ko siya." formal na sagot niya.   "Tch. Sige na lumayas ka na!" mataray na reply naman ni Kath sa kanya.   Pero hindi niya ito pinansin at hindi man lang ako tinapunan ng tingin na para bang isa akong invisible at mabilis na lumabas.   Tsk.   What an awkward introduction.     *** "Ano namang pakulo yun?" I asked Kath while frowning.   "Wala, gusto lang kitang ireto sa kanya hihi."     "At?" tiningnan ko siya ng masama.   "I know, I know sorry!! May nililigawan kasi siya, and hindi ko bet para sa kanya." nakanguso niyang sabi.   "Hindi mo bet? Bakit?" takang tanong ko pa.   "You know Coleen right? Alam mo naman kung gaano kalandi ang babaeng yun! Feeling maganda. Hindi pa matalino. Wala pang respeto sa aming officers. What if that woman cheats on him? What if she hurts him! Wala talaga akong tiwala sa babaeng yun!" I laughed deep inside because of the way she reacts.   Para siyang nanay.   "Alam mo kasi, Callisto is my childhood friend. Para ko na yang anak. I don't want him to be influence with that girl. I'm worried about him." may pag-alala pang tonong dugtong niya.   Did this woman just read my mind right now?   "Oo na, Oo na, naiintindihan kong hindi mo siya gusto para sa kanya, pero bakit ako pa pinagtripan mo?" nakanguso kong tanong.   "Anong pinagtripan! Hindi yun trip ah. Kasi you're the one I trust, at alam ko magiging interesado ka sa kanya." she smiled playfully.   "Ano? So you're playing a Cupid right now?" sarkastiko kong sabi pero tinawanan niya lang ako.   Inis naman akong napatingin sa kanya.   "Pero parang wala siyang interest sa akin." walang malay kong sabi habang nakatitig sa nakasarang pintuan.   "Aha! So sinasabi mong interesado ka sa kanya! Sabi na eh. Imma right, Imma right~" asar niya.   "H-hindi ah, hindi yun punto ko dito." napanguso ulit ako.   "Alam ko sinasabi mo, pero don't worry my Dear." Winagayway pa niya ang kamay niya.   "Hah?" taka kong tanong pero kinindatan niya lang ako.   "He's not really uninterested with you."   Kumunot naman ang noo ko. Ano daw?   "Pero may nililigawan siya hindi ba?"   "Alam ko! I know! I mean he's not really interested with you, but he's not really not interested with you."   "Ano bang sinasabi mo. Hindi kita maintindihan."   "Just trust me and save him."   "Save him?" taka kong tanong.   "Save him from that woman!" sigaw niya. Napaigtad naman ako sa gulat.   Ang exaggerated talaga netong babaeng to.   "Pero paano kung, meron siyang nagustuhan sa babaeng yun kaya niya niligawan?"   "Ano bang sinasabi mo dyan? Do you really think that there's something good on that woman?" mataray na maarteng sabi niya.   "Wow, ang judgemental mo." kunwaring gulat ko at napatakip pa sa bibig.   "Ano naman? I'm just telling the truth. He's blind!" sigaw pa niya.   "Well, love is blind."   I casually said it. Pero, I don't really know what that means.   "Love is blind ka dyan." nakanguso niyang sabi at tinawanan ko na lang siya.     *Bell rings*   "Oh it's time." bigla siyang sumeryoso at kabadong hinawakan ang dibdib.   She started to fix the document that she will be using later on and grabbed her bag. Inayos ko ang gamit ko at kinuha din ito.   "Wag kang masyadong kabahan." pinat ko ang likod niya. Mabilis naman kaming pumunta sa pinto at lumabas.   "Alam ko, alam ko! Hindi ko maiwasan eh, huhuhu."   "Bakit ka pa kasi nagpresident hahaha."   "Tama na okay! Ang cool kasi eh huhuhu" naiiyak niyang sabi.   Agad kaming naglakad sa hallway pero napahinto ako dahil naiihi ako.   "Wait, mauna ka na muna. Punta lang ako cr."   "Ano? Ngayon mismo? Paano akoo! Wag mo akong iwan!" pahabol niyang sigaw pero iniwanan ko na siya dahil naiihi na talaga ako.   Tumawa na lamang ako sa kanya at pumunta sa kabilang way.   ***   After I finished doing my stuff, mabilis akong lumabas sa banyo. Napatingin ako sa relo ko. Bwisit, late na ako.   Naglakad takbo ako hanggang sa makarating sa room, dahan dahan ko namang binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Woah, nice, mukhang di pa nag-uumpisa.   Pero ang daming tao sa loob!   and it looks like wala ng upuan.   Tumingin ako sa paligid at may nakita akong isang bakanteng upuan.   Great!   Dahan dahan naman akong pumasok papunta doon sa nakita kong upuan. Pero nung inangat ko ang aking ulo, nagtama ang aking paningin sa taong hindi ko inaasahang makita.   Katabi niya yung bakanteng upuan!   Tumingin siya sa akin ng kakaiba, it's like he's thinking why I'm crouching.   Awkward naman akong ngumiti at nagtanong. "Oh, may nakaupo ba dito.." ilang kong tanong habang nakaturo doon sa katabi niyang upuan.   (☞ ಠ_ಠ)☞   "Ah, Hindi, bakante yan. Upo ka." he smiled warmly.   "Ah yes.. Okay.. Salamat." awkward kong sabi at maingat na umupo.   "Na-aakward ka ba?" casual na tanong niya habang nakatingin lang sa harapan.   "Huh?"   Am I obvious? ⊙﹏⊙   "Stop feeling awkward, Hindi naman kita kakainin." lingon niya sa akin sabay ngiti nang matamis.   Matamis? Anong matamis dun!!!   >___He's so attractive, and because of that, maraming tao ang napapatitig at napapalingon sa kanya.   Transferee kasi, so bago sa paningin.   at dahil magkatabi kami, feeling ko din ay tinititigan nila ako!!   Naaanxious tuloy ako!!! Bwisit na anxiety yan.   Nadidistract ako sa lahat!!   "When will it end." I mumbled.   Bigla akong napatingin sa kanya nang bigla siyang gumalaw at may kinuha sa kanyang bulsa. It's earphones and his phone. Sinaksak niya ito sa kanyang phone at binalik sa bulsa. Napaalis naman ako ng tingin.   Bwisit. Bakit ba pinapanood ko ang bawat kilos niya?   Walang malay akong napatampal ng noo.   at dahil doon ay napalingon siya sa akin habang nilalagay ang kanyang earphone sa kanyang kaliwang tenga.   But the next thing that he does makes me scream. Oh well, he just offered his earphone to me.   Ang exaggerated. Ang OA!!!!   Tumango lang ako at kinuha iyon saka nilagay sa aking kanang tenga.   Fyi. Nasa kanan ko siya nakapwesto.   Song Playing: Westlife - My Love   An empty street, an empty house   A hole inside my heart~   "Oh, Westlife ba to?" mangha kong tanong. Yes, I'm a fan of 90's bands. Westlife, A1, Boyzone, Backstreet Boys, etc.   "Alam mo?" manghang sabi niya.   "Ah.. hmm. My Love, to diba? it's one of my favorite songs sa Westlife." masaya ko pang sabi.   Well. it's actually rare to find someone whose have the same taste in music as mine.   "Buti na lang nagustuhan mo. I'm actually worried na baka hindi mo alam o hindi mo magustuhan ang kanta kasi my playlist are like this haha." nahihiyang tawa niya as he took his phone out of his pocket and open the music player.   "Talaga? Edi meron ka ring A1 songs?" masaya kong tanong at lumapit sa kanya ng di namamalayan at tumingin sa kanyang phone.   "Oo meron,. What do you want to play?" he casually asked it as he scrolled down his phone at tumingin sa akin.   ....   I froze.   Bakit ang lapit ng mukha namin?????? And the way he looks...   ⊙﹏⊙ Shemay!! Stop imagining things!!   Napakurap ako ng ilang beses at bahagyang lumayo. Bwisit!   "Oy?" natatawa niyang tanong.   For sure he's wondering why I'm acting like this!!!   Iniisip niya siguro na ang weird weird ko. Bwisit.   Agad naman akong lumayo pa at napatalikod.   Bakit feeling ko ang pula pula ng mukha ko ngayon?   Agad ko namang hinawakan at dinama ang namumula kong mukha.   He chuckled.   Agad naman akong napalingon sa kanya at tinuro ang kanyang phone.   "E-everytime! Yung everytime!"   Teka!! Bakit ako nauutal?!!   Tumikhim siya at ngumiti habang tumatango pa at may binulong na hindi ko narinig.   "Huh?"   Anong binulong niya?   Ano ba yan bakit kasi bumubulong bulong siyang mag-isa diyan!!   Hindi naman siguro akong mukhang katanga tanga hindi ba? Aaaahhh!! Bwisit! Gusto kong sumigaw at maglaho!!!   But all of my thoughts disappeared when the song plays.   Song Playing: Everytime by A1   Lately, I'm not who I used to be   Someone's come and taken me   Where I don't wanna go~ Huminga ako ng malalim at kinalama ang sarili, at pinakinggan ang kanta.   At that time, I realized something...   All of the anxieties that I'd felt earlier from those people staring are gone...   I just close my eyes and smile... And feel the music.   To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD