Apurahang isinugod sa hospital si Matt. Panay naman ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga habang inaalalayan siya ni Nasher sa braso. "Furi, uminahon ka lang. Magiging maayos rin ang kalagayan niya." Mahinang isinaad niya sa dalaga sabay ipinatong ang kaniyang ulo sa dibdib ng binata. Tila nabigla naman si Nasher at bumilog ang kaniyang mata. Napakapit na lang siya ng mahigpit sa long sleeves jacket nitong suot. Nanigas siya na parang batong nakatayo lang roon at napalunok ng malalim sa laway niya. "F- Furi, ta- tahan na. Huwag ka ng umiyak." Mautal niyang sambit, habang pabilis naman ng pabilis ang pagtibok ng kaniyang puso. "Kasalanan ko 'tong lahat. Kung nakinig lang sana ako sa kaniya, hindi ito mangyayari sa kaniya ngayon." Mabigat siyang napahikbi at napayuko na lamang ng ulo

