"Ma! aalis na po ako." Paalam niya sa kaniyang ina, sabay lumabas na siya ng kanilang bahay.
Nakasuot siya ng pampasok na uniporme. Puting blouse, kulay pulang palda na hanggang tuhod ang haba at itim na sapatos at patalon-talon pa itong naglalakad patungo sa kanilang eskwelahan.
"Furi!" nilapitan at inakbayan siya ng kaibigan niyang si Kim.
"Wow! Kim mukhang bago na naman yata 'yang hairclip mo sa buhok ha?"ang tinuturo niya ay yung yellow butterfly na nakaipit sa bangs nito.
"Syempre binilhan din kita, sharan!" sabay ipinakita at inabot niya ang pink butterfly na hairclip para sa kaniyang kaibigan.
"Wow! ang ganda, salamat my prenny!" aniya at kaagad din niyang inipit ito sa gilid ng kaniyang buhok.
"Bagay ko ba?" tanong niya sa kaibigan habang patingin-tingin ito sa maliit niyang salamin.
"Oo naman! bagay na bagay sa'yo. Tara na, pumasok na tayo sa loob."
"Okay sige!" nagtungo na sila sa loob ng paaralan nila at dumeretso sa kanilang classroom.
"Magsisimula na raw ang flag ceremony!" sigaw ng class president nilang si Paula.
Ibinaba naman ni Furi ang kaniyang bag sa may silya at dali-dali silang nagsilabasan ng kanilang silid-aralan. Nagtungo silang lahat sa gitna ng oval, kung saan nila madalas isinasagawa ang pagpa-flag ceremony.
Tulad ng nakasanayan, ang lahat ng studyante sa paaralan na iyon ay nagtitipon-tipon sa gitna ng oval habang nakahalera ang bawat sections.
Kasalukyang nasa pinakadulo sina Furi, dahil sila ang pinaka-last section sa 2nd year highschool.
"Furi! ayan na yung crush mo si Matt," pangungutyang ani ni Kim sa kaniya sabay itinutulak-tulak siya nito sa balikat.
"Ssh! huwag kang malikot, hindi ko s'ya makita." Ang sabi naman niya sa pilyang kaibigan.
Isang school president si Matt nuon sa kanilang paaralan. Kinikilala siya ng lahat dahil sa taglay nitong katalinuhan at kagwapuhan. Halos kinababaliwan nga rin siya ng mga kababaihan na galing pa sa iba't-ibang mga class sections. At karamihan sa kanila ay siya lang din ang inaabangan sa tuwing nagsasagawa sila ng flag ceremony.
Siya kasi ang madalas na nangunguna sa pag-awit ng pambansang awit at palaging nasa unahan ng stage.
"Ang gwapo n'ya talaga!"
"Oo nga! hindi s'ya nakakasawang tignan."
"Omg! ayan na si Matt!"
"Sana ako na lang yung microphone na hawak niya!" samu't sari ang bulong-bulungan ng mga babaeng studyante roon na mula pa sa mga higher sections at tanging kay Matt lang din nakatuon ang mga atensyon nila.
"Itataya ko talaga ang titulo ng bahay namin Furi, kung sakaling magkagusto rin sa'yo si Matt." Bulong ni Kim sa kaniya.
"Kahit hindi mo na ibigay sa akin ang titulo ng bahay n'yo, basta mapasaakin lang siya ay kuntento na ako." Saad niya habang nakatanaw siya sa binata at panay ang pagtingkayad sa kaniyang mga paa.
"As if namang magkakagusto nga s'ya sa taga-last section na gaya mo?" singit namang sabi ni Jeff at sabay na napalingon ang dalawang babae sa kaniya.
"Kung may guardian angel na katulad ni Matt ay mayroon din namang epal na demonyong tulad n'ya." Naiiritang sabi ni Kim sabay tinarayan niya ng pagtaas ng isang kilay si Jeff.
"Huwag mo na lang siyang pansinin Kim, nagpapansin lang 'yan." Bulong naman ni Furi sa kaibigan.
"Ang hirap kasi sa inyong mga babae, kapag sinasabihan kayo ng totoo ay iniisipan n'yo kaagad ng masama, hindi ba?" nakangising saad pa nito habang nakaharap siya sa gawi ng dalawa.
"Tumigil ka na habang nakakapagtimpi pa ako." Mainahong ani ni Furi sa kaniya kahit ang totoo ay pinipilit lang din niyang pakalmahin ang sarili.
"Talaga? nakakatakot ka naman!" dagdag pa nitong sabi at nagsitawanan sila ng mga kaibigan niya.
Si Jeff ay nagmula sa first section, kung saan kaklase niya si Matt. Ngunit kilala naman siya bilang troublemaker o palaging nagsisimula ng away o gulo.
May kasabihan nga sila sa kanilang paaralan na kung nasaan ang gulo ay naroroon rin si Jeff, ang pasimuno ng lahat.
"Furi, huwag!" tipong lalapitan na sana niya ito pero kaagad din siyang pinigilan ni Kim.
"Ano 'yan? pikon ka na kaagad?" pang-iinsulto aniya sa dalaga.
"Bitawan mo ako Kim, tuturuan ko lang ng leksyon 'tong tikbalang na 'to!" magkasalubong na kilay niyang sabi habang ningingisian lang siya ng binata.
"Pare, payag ka no'n? tinawag ka niyang tikbalang!" pagkukunsinting saad ng isa niyang kaibigan at nagsitawan ang mga ito.
"Ays! hindi pa naman ako pumapatol sa mga babae. Pero ayos lang dahil hindi ka naman mukhang babae sa akin." Aniya syaka siya naglakad palalapit sa dalaga habang pinapatunog ang mga daliri sa kamay.
"Furi, huwag." Bulong ni Kim sa kaibigan ngunit nakatuon lamang ang atensyon nito sa binatang nagmamayabang.
"Sapat na siguro ang isang high kick para mapatumba ko s'ya." Saad ng dalaga habang ini-istrech ang kaniyang mga binti.
Pilosopo namang ngumisi si Jeff nang makita niya ang ginagawang paghahanda ni Furi.
"Tumakbo ka na habang maaga pa." Sabi ni Jeff sa dalaga.
"Bakit? naduduwag ka na ba?" sagot niya.
"Hahahahaha~ gusto mo talagang mabalian no?"
"Dami mong sat-sat!"
"Okay, sige! dahil mukha ka namang lampa medyo hihinahan ko lang."
"Talaga?" pagkasabi ni Furi ay bigla naman siyang sinampal ng malakas ni Jeff sa kaliwang pisngi niya na ikinabigla ng lahat.
Sa lakas ng pagkakasampal nito sa kaniya ay halos dumugo kaagad ang gilid ng kaniyang labi.
"Furi!" mabilis naman siyang nilapitan ni Kim habang nakahawak ito sa kaniyang pisngi kung saan siya sinampal ng binata.
"Hala! kawawa naman siya."
"Grabe naman si Jeff! totoo bang sinampal n'ya yung babae?"
"Pati ba naman babae ay pinapatulan na rin niya!"
Samu't-sari ang bulungan sa kanilang paligid nang makuha nila ang atensyon ng ibang taga-sections na malapit sa kanilang dalawa.
"Oh, walang iiyak ha?" nakangising sabi pa nito habang sinisilip niya ang nakayukong mukha ng dalaga.
"Sinong nagsabing iiyak ako?" pagkatingala niya ng ulo ay mabilis niyang sinipa ng malakas ang kaliwang pisngi ni Jeff na kaagad namang nagpatumba sa binata at napahiga sa lupa. Hindi pa nakuntento si Furi, kung kaya't nilapitan niya ito at pinatong ang kaliwang paa niya sa bandang dibdib nito.
"A-alisin mo 'yang madumi mong sapatos sa uniform ko!" galit nitong sigaw na ikinalingon naman ng lahat pati na rin sina Matt na nasa stage.
"Oh, walang iiyak ha?" sabi ng dalaga at sinampal din niya ito ng malakas sa kaliwang pisngi ni Jeff.
"Ano ngayon ang pakiramdam ng masampal? masarap ba? nasisiyahan ka ba na nakakapanakit ka ng babae?" ang sabi pa niya pero ningisian lang siya nito at tumingala sa kaniya.
"Well, hindi naman masamang nakahiga ako dito at nakikita ko ang kulay ng panty mo, hindi ba?" pilosopong sabi niya sa dalaga, kung kaya't kaagad din siyang napaatras at lumayo kay Jeff.
"Anong nangyayari diyan?!" sigaw naman ng guidance councilor ng kanilang school.
"Furi, dali dito!" tawag ni Kim sa kaniyang kaibigan at syaka sila nagsibalikan sa kani-kanilang mga pwesto at sections.
Hindi pa ako tapos sa'yo, bungol! bulong ni Furi sa kaniyang isipan habang nakatingin siya sa gawi ni Jeff.
Kakaiba rin pala ang nunong 'to! ang sabi naman ni Jeff sa isipan din niya at nakangisi siyang nakatingin rin sa dalaga.
"Naku! Furi namamaga ang pisngi mo! magagalit ang mama mo n'yan kapag nakita kang ganiyan." Nag-aalalang sabi ni Kim sa kaniya.
"Ayos lang ako." Sabay lumingon ulit siya kay Jeff pero hindi na ito nakatingin pa sa kaniya dahil abala ito sa pagpa-pagpag ng kaniyang uniporme.
"Ays! ang pangit tuloy tignan!" inis niyang sabi dahil bumakat sa maputing niyang polo ang sapatos ni Furi.
"Ang susunod ay panatang makabayan na pangungunahan ni Francis Jeff." Nagulat at napatingin silang lahat kay Matt nang bigla niyang banggitin ang pangalan ni Jeff, upang anyayahing umakyat sa stage at manguna sa pagbikas ng panatang makabayan.
"Jeff, tawag ka!" sabay itinulak siya ng mga kaibigan niya papunta sa harap ng stage.
"Te-teka? ano bang problema ng mokong 'to? nasisiraan na yata s'ya ng ulo!" sabi niya at tipong babalik na sana siya sa pwesto nito pero muli lang siyang tinawag ni Matt gamit ang mikropono, kung kaya't dinig na dinig ng lahat ang pagtawag nito sa kaniya.
Napalingon siya ulit kay Matt at napansin niyang nakatingin na pala ang lahat ng studyante sa kaniya.
"Ays!" ang sabi na lang niya sabay umakyat na siya ng stage at nakangiting inabot naman ni Matt ang mayk sa kaniya pagkatapos ay bumaba na ito ng stage.
"M-ma.. mic test, mic test." Bigla silang nagsitawanan lahat ng sabihin ito ni Jeff at panay ang pagpukpok sa ulo ng mic.
"Anong nagyayari? bakit biglang tinawag ni Matt si Jeff sa stage para magpanatang makabayan? hindi kaya?-" hindi itinuloy ni Kim ang kaniyang sinasabi at sandali siyang napalingon siya sa kaibigan niya.
"We? hindi nga? imposible naman 'yon, hindi ba Furi?" usisa niya. Iniisip kasi nilang pareho na baka gumaganti si Matt kay Jeff dahil sa ginawa nitong pagkakasampal kay Furi.
Samantalang, napuno naman ng paghalakhak at katatawanan ang buong campus nila dahil sa mali-maling pagbibikas ni Jeff sa panatang makabayan. Napahawak na lang sa ulo ang ilang guro na naroroon habang pinapakinggan nila ang sariling panata ng binata.
"Sino ba ang filipino teacher n'yan? bakit hindi niya alam bigkasin ng tama ang panatang makabayan?!" galit na saad ng kanilang principal kay Mr. Ramos, ang class adviser nina Matt sa first section.