"Thank God hindi kayo nasaktan." Sabi ni Rori habang kausap ko siya sa fon. "Pero if an hour after pa darating ang back up car, baka ma-late kayo ni Matteo kasi until 4:00pm lang yung venue." Paliwanag nito. Tiningnan ko ang oras at 2:45pm na kaya tinanong ko sa driver kung gaano pa kalayo ang venue at kung may dumaraan bang sasakyan dito sa lugar na ito. Sinabi ng driver na 5 kilometers pa daw ang layo ng venue at kaya raw lakarin within thirty five minutes. Thirty five minutes? Medyo matagal tagal na lakaran yon, ha? Kakaloka! Kaya naman I decided na mag-intay muna ng 15 minutes baka kasi may dumating na sasakyan. Kapag mayroon, makiki-hitch ako. Nag-intay kami ng mga 15 minutes pero walang dumaraang mga sasakyan, kaya naman nagdesisyon na akong lumabas ng kotse at hindi na hintayin an

