Matapos ang insidente sa swimming pool ay hindi ko pa rin nakakausap si Matteo. Gabi na at naririnig ko na ang kasiyahan sa may staff hall kung nasaan naroon ang mga tauhan ni Isabella at ang mga staff ng mansion. Napatingin ako sa anak ko na natutulog, at muli akong napatingin sa bintana. Inanig ko ang bintana ng kuwarto ni Bernardo at inimagine ko kung nakita nga niya kami ni Matteo nung nagtatalik kami. Posible. Posibleng nakita niya kami pero malayo ang kuwarto namin at hindi siguro nito nakita ang totoong mukha ko. Marahil ay mga galaw lang namin ni Matteo ang nakita niya. Pero kahit na. Nakita pa rin niya na may katalik si Matteo at maari itong magsumbong kay Isabella. Napakagat labi ako. Wala na akong ibang choice kungdi ang dumalo sa kasiyahan na iyon, pero kailangan ko munang

