LIMANG ARAW ANG NAKALIPAS at ngayon lamang ako nagkaroon ng balita kayla Papai na nakarating na si Matteo sa Brazil, at kasama niya ang anak namin ngayon. Maraming salamat po, Panginoon at ligtas ang mag-ama ko! Pagpapasalamat ko kay Lord. Sabi ni Papai ay maayos naman daw ang lagay ni Matteo at Timothy sa mansion na iyon at may mga naka-monitor na intelligence sa kanila. Ngunit wala pa daw magawang paraan kung paano makakatakas si Matteo at Timothy sa mala-fortress na mansion, dahil kahit subukan man daw ni Matteo na tumakas ay mashadong maraming bantay roon. Paminsan minsan rin lamang nakakapag-communicate si Matteo kayla Papai, at sinasadya daw talaga ni Matteo na hindi ako kontakin para matiyak na ligtas ako kay Isabella. Hindi rin daw makausap ni Papai ng matagal si Matteo dahil pa

