BAHAGYA akong nagising nang maramdaman ko ang pag-angat ni Matteo ng kanyang katawan sa akin. Pero hindi ko na mamulat ang mata ko. Antok na antok na ako. Pero dahil sa nahihiya pa rin ako sa posisyon ko sa kama, kinuha ko ang unan ni Matteo at itinakip ko sa katawan ko habang nakatali pa rin ang paa ko. Hindi ko na kaya pang bumangon para alisin ang tali sa paa ko. Pakiramdam ko, para akong jelly. Nanlalambot na talaga ako. Hindi ko kineri ang trip ni Matteo. Itali daw ba ako? Kakaloka talaga itong si Matteo- ang asawa ko. Shucks, ganap na akong Mrs. Pontes! Totoo ba talaga ito? Grabe talaga! Hindi ko alam kung ano ang mangyayaring susunod. I'm just living by the moment—this moment... this super special moment in my whole life. Sayang nga lang at wala ang mga mahal ko sa buhay to share i

