Hinintay ko lang na mag 7:00 am bago ako bumaba. Nakita ko ang dalawang mahal ko sa buhay at ang kababata kong kapatid na si makey. Bumuntong hininga ako bago ko kina-usap ang daddy ko at si mommy. They hold my phone for one week because of my bad deeds yesterday. And yes, naki pag away lang naman ako sa mga studyante sa may ibang school because of their insecurities.
Binigay ni daddy ang aking phone at humalik lang ako sa pisngi niya at pati si mommy kitang kita ang aking pagka irita.
"Don't be upset, kasalanan mo 'yon."
"Okay kasalanan ko na."
Nag paalam ako sa kanila tapos sumama pala si daddy hanggang gate.
"Ihahatid ang prinsesa ko sa labas?" Tanong niya saakin. To make sure na magiging okay kami, ngumiti lang ako sa kanya. "Dad, i am not mad. I really really deserved that okay? And Dad malaki na ako I'm 20 years old now. So what's that freaking matter?" Kumunot ang noo ko kay dad.
"Ihahatid kita." Pinaleng sabi niya.
Hinayaan ko nalang siya. Ganyan naman niyan palagi napala strikto kapag makikita lang niyang may iba akong kasamang lalaki maliban kay cholo at lash ay tinatakot niya. Nakita ko si cholo na naka ngiti saakin.
"Cho..." Naki pag high five ako sa'kanya.
"Ingatan mo ang anak ko cholo Shes my treasure. Baby pa yan kaya bawal mo na mag boyfriend!"
"Yes boss!" Sumaludo pa ang gagong si cholo.
"And tell your dad that i miss him." May pangisi pa sa mukha ni daddy.
"Sige po tito." Magalang na sabi nito.
Sumakay sa sa kotse ni cho Hindi kasi pumapayag si daddy na mag maneho ako natatakot siyang baka may mangyaring masama. nakakatuwa lang si cholo pa noon ang nag d-drive sabay kaming unuuwi pag tapos ang klase. Si cholo lang din ang naging bestfriend ko noon pa man.
"Uuwi pala si kuya lash sa graduation mo." Habang nasa daan ang kanyang mga mata.
Si cholo kasi ay nag ta-tavel around the world para makaka kuha ng mga litrato. Hilig niyang kumuha ng mga bagay bagay kahit na simpli lang to Nakapag tapos na sila matagal na at sa LA Din sila namalagi simula ng mag-aral sila. Ngayon ay umuwi lang siya nung nakaraang taon dahil na mi-miss daw niya ang pilipinas.
Nabalingan ko siya. "Uhmm uuwi siya?"
"Oo hindi niya banggit sayo?"
Umiling ako tsaka malay ko ba sa lalaking 'yon hindi ko nga siya naabutan nang pumunta siya sa LA. "Nakaka-tampo si kuya mo e, hindi na nga siya nag paalam saaking pumunta siya duon, tapos hindi niya sasabihin na uuwi siya." sumandal ako.
Naging ka close ko narin si kuya lash. I'll called him kuya kasi mas matanda naman siya saakin ng limang taon even cholo pero si cholo kasi talaga may pagka isip bata kaya hindi ko matawag na kuya e, kasi mas matanda pa ako kung mag isip.
"Nandito na tayo!"
"Alright!" Lumabas ako at kumaway lang sa kaniya.
"Kita tayo pag uwi ko."
"Sige sige." Kumaway din siya.
Dumeretso ako sa room ko at mabuti naman hindi pa nagsimula.
"Mian..." Napalingon ako sa tumawag saakin.
"Oh?"
"Kasabay mo na naman si cholo?"
"Oo bakit?" Kununot ang noo ko sa babaeng to.
"Bakit hindi mo sinabi?" Pinalo niya ako sa balikat.
"Tanga alangan naman sasabihin ko like duh miranda!"
"Mian naman eh, alam mong crush ko yun!"
Pinaikutan ko nalang siya ng mata. "Halika na nga umupo na tayo!"
"Kaya hindi ka nag kaka jowa niyan e, nanununtok ka!"
"Isa pa mira hindi kita papansinin."
"Tsk!"
Nakinig nalang kami sa prof namin dahil may gaganapin na naman kaming event.
"Alam niyo naman na ito ang ka 45 aniversaryo ng ating paaralan. Gaganapin natin ang even sa araw ng pagpapatayo dito at dadalo ang iilan sa may ari nito gaya ni mr and Mrs curtiz-" na udlot si sir.
"Sir sir... Mga magulang po ni mian yun!" Parang excited na sabi ni mira.
Patay nakatingin si sir saamin.
"Alam ko..." Walang expression ng mukha nito. " Then? Studyante parin siya!" Sabi ng kalbo na'to.
"Manahimik ka miranda!" Gigili na bulong ko.
"Sorry naman!"
Binalingan nalang namin si sir.
"I'll mention their famous last name. Dadalo ang pamilya ng CURTIZ, KLERON, TIBLLE, MAGNU AND THE ELEOF family. Sila ang may mga shares sa school nato. Ang mga pamilyang yan ang dadalo sa event natin kaya gagalingan natin para mas ma impress pa sila lalo at suportahan ang school nato. Naiintindihan niyo?"
"Yes prof !" Sabay sabay namin.
Binalingan ako ni sir.
"And miss curtiz! You're the volunteer sa upuan. Sasamahan mo sila kung saan sila dapat na umupo, you're their realative so hindi kana mahihirapan pa."
"What sir? Akala ko ba sir volunteer ako sa pagkuha ng camera?" Nangunot ang aking noo.
"Hindi na ikaw yun, si yllbi na 'yon, na mas magaling siya sa pagkuha ng litrato. Okay class dismiss!"
Lumabas si sir atAgad na lumapit si miranda. "Hala ka... Balita ko pa naman may gwapong anak yung mga eleof family si thenga ba'yon?"
"Thegan gaga!"
"Ay oo nga pala tapos baka nga daw dadalaw din yung anak ng pamilya tibble na si eliad at vix? "
"Pupunta 'yon sila dahil may mga shares ang mga pamilya nila." Pinaikutan ko ng mata ang bestfriend ko Ang naive lang kasi.
"Sige na punta tayo canteen libre kita!" Hinila niya ako.
...
"Bakit ka nag mumukmuk jan?"
"Miranda, sa tingin mo hindi ba ako dapat na maging photographer? Magaling naman ako ah?"
"Alam mo friend!" Umupo siya sa tabi ko. "Magaling ka naman pero hindi gaya ni yllbi. Si yllbi ay nag aral sa US 'yon at natutong kumuha ng mga litrato. Unlike you? Trip mo lang pag kumukuha ka ng pictures." Tinapik tapik niya ang likod ko.
"Oo na...nakakahiya naman sa bangs mong parang kabayo!" Pinaikutan ko siya ng mga mata.
Nakita ko si sir plikato Ang kalbo naming prof agad akong lumapit sa kaniya . "Hay sir plakado- este sir!" Ngumiti ako.
"Ano 'yon?" Alam niya talaga pag may kaylangan ako eh.
"Bakit hindi mo nalang akong gawing MC sir? Maganda naman boses ko!"
"Tumigil ka mian Kung saan ka naka assigned duon ka!"
"But sir ..."
"Anong but?" Kumunot ang noo niya.
"Wala sir, manuklay nga kayo!"
"Wala nga akong buhok-"
"May isa ngang tumutubo oh, kulot pa!"
Hinawakan niya ang buhok niya iniwan ko na siya agad at baka sigawan pa niya ako..
...
"Miranda!"
"Oww?"
Nasa bahay nila ako at hindi ko alam ang gagawin ko.
"Paano kung makita ako ni mom at daddy sa ganong posisyon? Sinabi ko pa naman sa kanila na ako ang kukuha ng mga pictures ng mga bisita!" Napalabi ako.
"Alam kona!" Napatayo ang bruha.
"Mag mascot ka nalang para hindi ka nila makilala. For sure papayagan ka ni prof plakado."
"Oo nga no'?"
Good idea 'yon.
...
Kinakabahan ako habang sobrang dami na ng tao sa gymnasium at hinihintay lang ang mga pamilyang aking pinagtataguan.
"Oh here yah go.... The family eleof are here... Let us all welcome Mr and Mrs nathan and thea with their two boys thegan and lego!"
Pumalakpak ang mga tao at mga kuya at tita ko pa naman 'tong mga 'to. Naka mascot ako at Hindi nakikita ang mga mukha.
"This way maam sir!" Pinalaki ko ang boses ko.
Iginaya ko sila sa may bangko kung saan dapat sila umupo.
"Where's mian?" Si lego ang nagtanong napalunok ako ng umiling si kuya thegan.
"Hintayin nalang natin ang iba Lalabas din 'yon!" Bumalik ako sa may entrance para hintayin ang iba pa.
"And the kleron family, What a Pudge they have a good genes. Mukhang nandito lahat ng pamilya. Let us all welcome Mr and Mrs kleron and with their sons and daughter. THE TWINS cholo and lash kleron the triplets NIKKO, NOKKI AND THEIR PRINCRSS CHIKKI."
Pumapalakpak ang mga tao diba sabi ni cholo ay sa graduation ko pa uuwi si kuya lash? Natulala ako ng kinalabit ako ng isa sa mga SSG officers.
"Igiya mo sila kung saan sila uupo!"
"O-oo."
"This way!" Pinalaki ko ang boses ko. Naglakad kami patungong harapan ng stage umupo na sila.
"Where'smian?"
"Hey dude!" Nag beso beso sina thegan at mga triplets at kambal. Si tita thea at tita angel ay nagyakapan.
"Nakita niyo si mian?" Si chikki na ang nagtanong.
"Bago palang kami dumating pero hindi namin siya nakita!" Si thegan na ang sumagot.
"Baka busy sa back stage." si cholo ang sumagot.
"Hayaan niyo na siya baka busy." si tita angel.
"Wag niyo na siyang hanapin!" Sa wakas ay narinig ko si kuya lash na magsalita pero harsh pa. Gago to!
Aalis na sana ako kaso ay bigla ako hinawakan ni tita angel.
"Po?" Pinalaki ko ang boses ko.
"Paki sabi sa ibang mga studyante na hinahanap namin ang pangalang mian-"
"Mi! Pag hindi niyo nakikita dito si mian don't find her." Nakita kong umikot ang mata ng gago. Ingat siya saakin mamaya pag uwi ko.
"Ill just miss her!" Si tita angel.
"Sige na hija... Puntahan mo na gusto mong puntahan!" Si tito nathan ang nag salita.
Pumunta ako sa entrance at narinig kong nag- announce na nila ang apyeledo ng pamilya ko. Nawalan na ako ng gana pero sinunod naman ako ng mga magulang ko. Hindi nila ako nakilala dahil sa suot kong napakainit na mascot. Saka naiinis ako sa mga pinagsasabi ng lash na 'yon. Akala mo naman parang wala kaming pinagsamahan tapos-
Naalala ko ng seventeen birthday nila ni cholo at nag tampo saakin 'non. I was just twelve years old 'non.
Hinabol ko siya patungo kasi siya sa likod ng bahay nila eh.
"Huy kuya-"
"I told you dont call me kuya mian-"
"Sorry!" Napayuko ako. "Hindi kita nabigyan ng regalo dahil inuna ko yung kay kuya nikko-"
"Ang mga dahilan mo di papasa saakin!" Nakita kong sinipa niya ang maliit na bato.
"Sorry na! Tsaka babawi ako"
"Hindi ka babawi!"
"Kuya naman-"
Hinarap niya ako at nilapit niya ang mukha sa mukha ko. "You know what? Tama nga si mami. Hindi ako dapat mamalagi dito lalo na at nakikita kita alam mo kung bakit? Nakakainis ka mian.. Nakakainis ka!"
"Lash!" Ngayon ay hindi ko na siya natawag na kuya. Nakikita ko kasi sa mga mata niya ang galit.
"Nakaka inis ba ako ganon ba 'yon? Edi sorry Kung nakakairita ako sorry. Kung ang ikinagagalit mong wala akong regalo sa birthday-"
"Ang bobo mian!" Napasigaw siya dahilan para mapa iktad ako.
"Ang bobo mo! Bobo na nga manhid pa."
"Hindi ako bobo lash... Kung may galit ka saakin sabihin mo dahil nakakainis itong nag papanggap lang tayo sa harapan ng mga magulang natin na okay tayo pero ang totoo ay hindi!"
"Sinong may sabing okay tayo?"
Tumaas ang kilay ko So all this time fake lang ang ipinapakita niyang attitude saakin.
"So bakit mo ako hinalikan nong 10 years old pa ako?" Sigaw ko.
"Halik lang 'yon Big deal ba sayo 'yon?" Napapaluha ako sa mga inaasta niya at ipinapakita saakin. Wala naman saakin nong halikan niya ako sa party kasi para saakin hindi big deal 'yon. Wala saakin ang mga halik na 'yon pero bakit ako nasasaktan? Hindi na niya ako gusto bilang kapatid?
"Sorry na kuya!" Napaiyak ako.
"Hindi kita kapatid mian at kahit kailan hindi kita tinuring na kamag anak."
"Ikaw lang nagsasabi niyan, Si kuya cholo at mga kapatid mo tinuturing nila akong kapatid-"
"Hindi ako sila. Wag mo kami ipag-kumpara."
"Buti pa pala si kuya cholo naiintindihan ako. Buti pa siya tinuturing nila akong kapatid-"
"At Hindi ako si CHOLO. GOD DAMN IT." sinuntok niya ang pader sa may tabi niya.
"Bukas na bukas din ay uuwi ako sa LA sa granfa at grandma ko, Mabuti ng hindi kita makita para magiging maayos pa ang buhay ko!"
"Aalis ka?" Napatingla ako.
"Oo para hindi na kita makita Nakakairita ka. Ang ugali mo ang mga galaw mo napaka immature mo parin. Sa totoo lang hindi kita gusto. Ayoko sa katulad mo mian!"
Napunas ko ang mga luha ko ng maalala ko 'yon. Kaya nga pala siya umalis noon dahil hindi niya ako gusto. Ni- ayaw niya daw akong makita. Sige kung yan ang gusto niya hindi ko na siya papansinin, Pero ma mi-miss ko siya.
Pagkatapos nang ala-alang 'yon Pumunta ako ng ladies room para duon umiyak.
Demonyo siya.. Yes! That's him.