Pag karating na pag karating ko ng Hawaii nag tungo na agad ako sa pinag tutuluyan ng mga anak ko kasama si Jamaica. "Hanggang dito nalang ako" sabi ni Jamaica ng huminto kami sa gilid ng malaking bahay. tumango naman ako at ngumiti. "Salamat" sabi ko at nginitian niya ako pabalik. "Tawagan mo ko pag kailangan mo ng tulong" sabi niya saakin at kinindatan niya ako. "Okay, salamat ulit" sabi ko at bumaba na ng sasakyan niya. nag lakad ako ng ilang hakbang talagang sinadya ni Jam na hanggang duon niya lang ako ihahatid para di makita ng cctv at hindi kami mahuli sa plano namin. May dalawang guard sa gate at sa tingin ko ay pilipino dahil sa physical na anyo nila at sa kulay nilang moreno. "Ako yung bagong katulong" sabi ko, kinuha ko sa bag ko ang ID ko na pinagawa ni Jamaica. Vanessa

