Chyrll's flashbacks continues Nakapasa ako sa aming entrance exam at mataas ang aking nakuha. Nakita din nila ang aking mga grado at nag offer ang school na maging Scholar daw ako ng school kaya sobrang laking tuwa ko. Ang tuition fee ay libre at may limang libo pa na allowance ang nakatutuwa pa ay sila din ang magbayad sa aking boarding house na malapit sa University. Excited na akong umuwi sa bahay habang nag-aabang ng bus pabalik sa bahay. Ilang sandali ay dumating na ang bus, hapon na at malakas ang aking kutob na puno na ang bus. Mabuti nalang maliit ako kaya nakasingit ako sa pila. Ang pera na dala ko ay pamasahe lang ang nabawas. Tiyak na matutuwa ang aking mga magulang sa maganda kong balita. Pagdating ko sa bahay ay pa gabi na pagbaba ko sa bus ay nakita kong nakatayo si Bened

