Rona's point of view Nang gagalaiti ako sa galit nang hindi maibalik sa akin ang aking sing-sing yun nalang ang mayroon ako. Sana ay hindi ko na inutusan si Ingga na palabasin na magnanakaw si Chyrll dahil ang video ay sapat na para magalit si Dox sa kanya. Sobrang sakit pa ng aking katawan na natamaan ng mabigat na upuan, hindi ko inasahan na kaya niyang buhatin ang nara na upuan at naibato pa niya sa akin. Pero hind bale, ang plano namin ni Ava ay nag worked finally. Wala na siya dito sa bahay. Mabuti at mura lang ang ibinayad ko sa pokpok na humalik doon sa guard, isang libo lang ay pumayag na agad siya. "Ingga bilis kumuha ka ng ice pack." Ang aking braso ay may malaking pasa dahil natamaan ng upuan at kahit din siya ay may pasa ang binti. Mabilis siyang kumuha ng ice pack di

