Rona's point of view Inis akong lumabas sa hospital, hirap na nga akong umiyak ay ayaw ko pa ang amoy nito. Nang pasakay na ako ng taxi ay tumatawag si Mommy. Ayoko sanang sagutin ito dahil alam kong kukulitin na naman ako tungkol sa pera. Me: Yes Mommy Sinagot ko na at umupo na ako sa taxi, mahal pa man din ang aking babayaran dahil halos tatlong oras ang biyahe. Tumawag ako da bahay at gamit daw ng mga biyanan ko ang isang sasakyan. Tapos ang isa ay ginamit ni Dox, pinapahiram sa akin ng kaibigan ko ang sasakyan niya pero tumanggi ako dahil ang akala ko ay hindi naman ganun kalala ang kalagayan ng mga bata at uuwi din ako kasama nila. Sa itsura ni Madison ay parang napuruhan ito, itanong ko sana pero huwag na. Sweet na bata pa man din sa akin si Madison. Mommy: Nabalitaan ko na kidna

