Chyrll's point of view Sa galit ko kay Master ay nasampal ko siya ng malakas, oo alam kong seloso siya pero hindi tama na sabihin niyang isa akong puta. Nagpaka puta man ako sa kanya dahil mahal ko siya. Mabilis kong kinuha ang aking mga gamit lang na dala kong dumating sa kanilang bahay. Bitbit ko ang aking bag. patakbo akong bumaba sa hagdanan. "Hoy magnanakaw, akin na ang singsing ko!" Sigaw ni Rona na mabilis ang lakad na papalapit sa akin. Sa galit ko ay nabuhat ko ang single chair at ibinato ko sa kanya. Natamaan ko naman siya kaya napahiga siya sa sahig. "Arayyyy tulong!" Sigaw ni Rona. Lumapit si Balakukubak kaya kahit anong bigat ng upuan at binuhat ko at ibinato ko din. Dalawa na silang nakahiga sa sahig na nadaganan ng mabigat na upuan. "Chyrll kumalma ka baka makapatay

