Chyrll's point of view ending Para maibsan ang pagka miss ko sa aking mga magulang at buwan-buwan nalang ako nagpapadala ng sulat para hindi sila mag-alala. Inabala ko din ang aking sarili sa aking pag-aaral at pagbabasa ng mga libro para sa mga buntis at pag-aalaga ng sanggol. Tapos na rin sa wakas ang aking paglilihi, sobrang hirap ako noon lalo na kung on going ang klase namin. Ang hirap yung hilong-hilo tas na susuka pa dahil sa iba't- ibang pabango ng aking mga ka klase. Dalawang buwan nalang ay ilalabas ko na ang aking anak. Mabuti at hindi siya masyadong malikot kaya mahimbing ang tulog namin kada gabi. Mahihiga na sana ako ng makaramdam ako ng kakaiba, biglang sumakit ang aking likuran at biglang humilab ang aking tiyan, kinabahan ako. Baka kaninang naglaba ako at naipit ang ak

