Chyrll's point of view Nagising ako na wala na sa tabi ko ang gwapong asawa ko. Bumangon na ako at nagpalit na muna ng damit dahil manipis ang suot kong sando. Mabilis kong inayos ang aming pinaghigaan at lumabas na sa aking kwarto. Ang una kong hinanap ay ang aking mga anak. Wala daw sila naligo sa ilog kasama ang kanilang Tito Jr. at Lolo at Lola. "Ang Itay at Dox Nay?" Tanong ko na kumuha na ng aking agahan. "May pinuntahan, may abogado daw silang kikitain sa bayan." "Anong oras na Nay, anong oras ba silang umalis?" "Maaga anak, pero hindi ko alam kung anong oras dahil wala naman tayong orasan at wala akong relo." Sagot ni Inay. Ang nabili nilang second hand na celphone ay nadaling nasira. Nandito naman na ako sa bahay kaya hindi na namin pinagawa pa. Pagkatapos kong kumain ay na

