Dox's todo acting point of view Parang puputok na ang lahat ng aking ugat nang makita ko na nahahawakan ang kamay ni Ban. Ramdam ko na sinasadya niya ito kaya dapat akong magtiis. Kaninang naiwan ako sa loob ay sobrang pinagpawisan na naman ako kaya kailangan kong maligo ulit mamaya. Mabuti nalang at kakampi ko ang aking mga anak. Nagkayayaan silang uminom, kaya pumayag na rin ako dahil si Tatay Henry ang nagyaya sa akin. Matapang ang kanilang iniinum, si Tatay ang naglalagay ng alak sa baso ko at puno talaga ito habang sila ay kalahati lang. Ang aking mag-iina ay nakipanuod na muna sa kapitbahay. Kawawa naman ang Ban ko, kapag maayos na ,lahat ay magpapatayo ako ng mansion dito. "Baka malasing si Pogi sa tagay mo Henry." Sabi ni Kap. mabuti at medyo madilim ang ilaw kaya hindi nils

