Katleya’s POV “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ko pinahiya sa harapan ng Dean at ng malanding babaeng ‘yon, Ma!” galit kong sabi sa aking ina nang pumasok ako sa kanyang greenhouse at inaalagaan ang kanyang mga pesteng halaman. Ilang araw na niya ako pinapansin at pag kakausapin ko siya, iiwasan niya lang ako. Wala ang aking ama dahil nasa isang business trip na naman ito. “Bakit mo ba ko iniiwasan?” tanong ko ulit. Malakas siyang bumuntong hininga at inis niya akong hinarap. Napatili ako nang batuhin niya ako ng fertilizer na poop ng kung anuman na hayop. “Eeeewwww!!!” tili ko. “Hindi kita pinapansin at baka masaktan kita Katleya!” galit niyang sabi. “Sa lahat ng sisiraan mong babae bakit si Desira Rosique pa? Hindi mo alam kung sino ang kinakaharap mo. Hinahayaan kita sa mag gu

