Malapit ng mag-gabi nang umuwi na ulit silang tatlo. Nagulat pa ko dahil ang dumi na ni Zicco at may mga putik pa sa kanyang damit. Mabuti na lang at hindi gaanong magara ang dami niya. Pero halatang pagod na pagod na talaga siya kaya naman kumuha ako ng tubig ata gad ko itong binigay sa kanya. Medyo nanginginig pa ang kanyang kamay nang tanggapin niya ito at nagpasalamat siya sa akin. Nakita kong may konting sugat-sugat pa siya sa kamay. Kinuha ko ang isa at tinitigan ko itong mabuti. “Ayos ka lang ba?” tanong ko sa kanya. Hinila ko siya at pinaupo ko soiya sa wooden chair. Tinulungan ko rin siyang tanggalin ang kanyang sapatos at nilagay ko ito sa tabi. “Naku naman, mukhang pinahirapan ka nila, ah.” “Hindi naman…” namula ang kanyang mukha dahil sa hiya. “Hindi lang ako sanay sa trab

