Pumasok ako kinabukasan na puyat dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Matapos kong makausap si Amoz bumalik na naman ang sakit na dinulot niya sa akin. Naiinis rin kasi ako dahil kailangan niya pa akong tawagan at tanungin ng mga gano’n. Mukhang inaasahan ko talaga na magalit siya at masaktan rin dahil may ibang lalake na sa buhay ko. Pero kung masaya na siya sa kasama niyang babae ngayon, ano pang pakialam niya sa akin? Hindi ko na dapat siya iniisip pa dahil unfair ito kay Zicco. Hindi ko lang talaga maiwasan. Masaya naman ako sa boyfriend ko ngayon and the way we pleasure each other is wonderful. He’s popular hockey player na akala ko masungit at seryoso nong una, pero habang magkasama kami, nakikilala ko siya ng husto. Kung ano ang kanyang mga gusto at hindi gusto. After he

