I was panting nang tumigil ang motor sa harap ng isang restaurant na malapit lang sa isang sikat na picnic park. Pinaghintay niya ako saglit para i-park ng maayos ang kanyang big bike sa isang parking lot. May kinausap pa siya na tauhan ng restaurant. Akala ko papasok na kami sa loob dahil gutom na rin talaga ako. Hinawakan niya ulit ang aking kamay,pero imbes na pumasok kami sa restaurant, tumawid kami sa kabilang side at pumasok kami sa park. Napakurap naman ako at nagtataka kung bakit dito kami nagpunta. Naiilawan lang kami ng lamp post na nakalagay sa tabi ng daanan. Nagpalinga-linga naman ako dahil madilim sa gigilid namin at baka may sumulpot na lang na holdaper o wild animal. Kumapit na ko sa braso niya at mahigpit ko itong hinawakan. Narinig ko ang kanyang pagtawa at tumingin ako

