KABANATA 10

1525 Words
ANSWERS " I already signed the contract. " pag-iimporma ni Gio kay Henric at Jared na ngayon ay nasa loob ng kanyang opisina. " Sa wakas, akala ko bubulokin mo na ang sarili mo sa loob ng bahay m eh! " pagbibiro ni Henric sa binata habang nakangisi. " Kailan mo balak puntahan ang site? " tanong ni Jared sa kanya. " Tomorrow, I guess. " sagot ni Gio.  " So wala kang gagawin ngayon, my dudes? Bar hopping na this! " nakangiting saad ni Henric at kulang na lang ay pumalakpak. " Pass. " Iyon lamang ang tanging naging sagot niya sa inusal ni Henric.  " Tangina my dudes! Lumabas ka naman dyan sa lungga mo! Huwag mong sabihing nagpapaka-emo ka pa rin? " bahagyang umiling si Henric.  " Move on pre. " panggagatong naman ni Jared sa sinabi ni Henric.  " Stop meddling with my life. Mind your own business. " naiiritang sagot ng binata sa dalawang kaibigan. Hindi na naituloy pa ng dalawang binata ang pagkausap kay Gio dahil bigla na lamang nitong kinuha ang suit na nakasabit sa rack at walang paalam na lumabas ng opisina.  Nang makalabas na si Gio ng opisina ay dumiretso na siya papuntang parking lot. Nakita pa niyang nagulat ang kanyang secretary nang makita siyang papalabas ng building. Sinubukan pa siya nitong tawagin at habulin pero hindi niya ito pinansin. NANG makauwi si Gio sa bahay ay may isang hindi inaasahang bisita siyang nadatnang nakaupo sa couch sa sala. Umiinom ito ng kape at may nakapatong na isang slice ng blueberry cheesecake sa harapang lamesa. Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti. " Gio! I have something for you--! " saad nito habang nakangiti pa rin sa binata at kinuha ang isang maliit na kahon mula sa bag na nakapatong sa kandungan. Ngunit hindi ito pinansin ng binata at dire-diretsong nagtungo sa sariling silid. Napabuntong-hininga na lamang ang dalaga at inayos ang sarili bago umalis.  Nakatayo ang binata sa tapat ng isang abandonadong hospital at makikita ang pagtataka sa mga mata nito. Inilibot ng binata ang tingin sa buong paligid. Para sa kanya ay isa lamang itong abandonadong hospital kaya nagdesisyon itong umalis na lamang. Nasa kalagitnaan na ng paglalakad ang binata nang mapatigil ito dahil sa sigaw na nagmula sa loob ng abandonadong hospital.  " AAAAHHH! " Agad namang nilingon ng binata ang pinanggalingan ng sigaw.  Ngayon ay nakatitig ang binata sa abandonadong hospital nang muli niyang marinig ang isang boses. " H-HUWAG! AAAAAHH! " ang boses nito ay puno ng pagmamakaawa. Nagkusa ang mga paa ng binata papasok sa loob ng abandonadong hospital. Sinusundan niya lamang ang tinig na naririnig hanggang sa makarating siya sa ikalawang palapag. Palakas nang palakas ang tinig na nagmumula sa pinakadulong bahagi ng palapag. Patuloy lamang siya sa paglalakad hanggang sa makarating sa tapat ng pinto ng silid sa pinakadulong bahagi ng palapag. Nakarinig siya ng mga kalabog at sinundan ng pagmamakaawa ng isang babae. " T-tama na. A-ayo-ko na...aa. " Isa na namang kalabog pagkatapos ay sinundan ng nakakakilabot na tawa ng isang lalaki. Hindi alam ng binata kung anong nagtulak sa kanya na buksan ang pinto ng silid. Pagkabukas niya ng pinto ng silid ay agad namang nawala ang mga tinig na kanyang naririnig kanina.  Inilibot niya ang paningin at napansin ang isang babaeng nasa pinakadulo ng silid malapit sa bintana. Lumapit dito ang binata upang tanungin kung ito nga ba ang babaeng sumisigaw at kung ayos lamang ito. Nang makalapit siya rito ay bahagya siyang yumuko bago nagsalita. " M-miss. Are y-you okay? " kinakabahan nitong tanong sa dalaga. Nang hindi ito sumagot ay umayos ng tayo ang binata at muling inilibot ang tingin sa silid. Sa paglibot ng kanyang tingin ay pilit niyang hinahanap ang maaaring kasama ng dalaga sa silid. Nasisiguro niyang may kasama ito kanina bago siya pumasok dahil sa narinig niyang tawa.  Hinahanap niya ang lalaki ngunit hindi niya ito makita. Natuon ang tingin niya sa isang maliit na pinto sa kabilang bahagi ng silid. Lalapitan niya sana ito upang tignan kung doon nagtatago ang lalaking hinahanap ngunit naramdaman niyang may humawak sa palapulsuhan niya.  Binaling niya ang tingin sa babaeng nasa harapan. Nakayuko pa rin ito ngunit mahigpit ang pagkakahawak ng babae sa kanyang pulsohan.  Nakatitig lamang dito ang binata. Makalipas ang ilang minuto ay yumuko ang binata upang tanunging muli ang kalagayan ng babae ngunit bigla namang nag-angat ng tingin ang babae.  Nanigas sa kinatatayuan niya ang lalaki nang makitang may umaagos na dugo sa noo nito. May nakabaon ding ilang bubog dito. Ang kaliwang mata nito ay halos hindi na makamulat dahil sa pasa. Ang mga labi naman ng dalaga ay putok at dumudugo. Sa tingin niya ay binugbog ang dalaga ng lalaking maaaring naroon kanina sa loob ng silid.  Hindi niya masyadong maaninag ang mukha ng dalaga dahil masyadong madilim sa loob ng silid.  Pilit niya itong tinitigan ng mabuti at nang tuluyang makita ang kabuoang mukha ng dalaga ay bahagyang napaatras ang binata. Nabitawan na rin sya ng dalaga. Patuloy sa pag-atras ang binata habang nanginginig ang mga labi at hindi ito makapagsalita nang dahil sa gulat.  Nagsimulang gumapang ang babae papalapit sa lalaki kaya mas lalong nakaramdam ng kaba ang lalaki at lumayo.  " H-help m...m-me. " nahihirapang saad ng dalaga.  Hindi malaman ng binata ang gagawin ngunit mas pinili nitong buksan ang pinto ng silid at nagmamadaling lumabas. Natatakot siya sa maaaring mangyari kaya pinili niyang iwanan ang babae sa loob ng silid.  Patuloy lamang sa pagtakbo ang binata hanggang sa makarating siya sa babang bahagi ng hospital. Binuksan niya ang pinto upang tuluyang makalabas ng hospital ngunit hindi ito natuloy. Sa pagbukas niya ng pinto ng hospital ay nakatayo roon ang babaeng iniwan niya sa silid ng ikalawang palapag.  May tumutulo pa ring dugo sa noo nito ngunit ang pasa sa kaliwang mata nito ay hindi na maaninag ng binata. Nakakatayo na rin ito ng tuwid hindi katulad kanina na kailangan pa nitong gumapang. Isa sa napansin ng binata ay ang hawak nitong kutsilyo na may bakas ng dugo.  Nakangiti itong lumapit sa kanya habang dinidilaan ang kutsilyo. Umatras nang umatras ang lalaki hanggang sa tumama ang likuran niya sa isang matulis na bagay. Hindi agad nakatayo ang lalaki dahil sa sakit na naramdaman kaya mas lalong nakalapit sa kanyang pwesto ang babae.  Walang pag-aalinlangang ibinaon ng babae ang hawak na kutsilyo sa dibdib ng lalaki. Napaawang naman ang bibig ng lalaki nang dahil sa sakit at pagtataka. Itinaas niya ang kanyang kamay upang itulak ang babae ngunit mas lalong ibinaon ng babae ang kutsilyo sa kanyang dibdib.  " Greetings, my love. " nakangiting saad ng babae habang pinagmamasdan ang lalaki.  HINAHABOL ni Gio ang kanyang hininga nang siya ay magising. Inilibot niya ang tingin sa paligid at napagtantong gabi na. Madilim sa kanyang silid at tanging ang sinag ng buwan ang nagsisilbing ilaw dito. Tumayo siya at lumapit sa switch ng ilaw upang ito ay buksan. Nang mabuksan na niya ang ilaw ay maglalakad na sana siya pabalik sa kanyang kama ngunit napaupo siya sa takot at gulat. May babaeng nakatayo malapit sa kanyang kinatatayuan habang nakangiti. May hawak itong kutsilyo at mas lalong lumalapit sa kanya.  " Greetings, my love. "  " AAAAAAH! "  " G-gio, hijo. Gumising ka. " Inaalog ni Manang Gresha ang mga balikat ng binata dahil ito ay binabangungot.  Hindi pa rin nagigising ang binata at patuloy pa rin sa pagwawala.  " G-gio. " naiiyak na saad ni Manang Gresha habang patuloy pa ring ginigising ang binata.  Makalipas ang ilang segundo ay tumigil na sa pagwawala ang binata. Hindi naman mapanatag ang kalooban ng matanda dahil hindi pa rin nagmumulat ang binata. Hinaplos niya ang buhok nito ngunit siya ay napatigil ng hawakan ng binata ang kanyang kamay at tinabig ito papalayo.  Nagulat ang matanda sa inasal ng binata at magsasalita na sana ngunit mariin siyang tinitigan ng binata. " Manang, stop making lies. Just tell me what really happened to her. "  " A-ano ba iyang sinasabi mo hijo? " kinakabahang tanong ni Manang Gresha.  " Napaginipan ko siya Manang, ngunit hindi malinaw ang lahat kaya sagutin mo ang tinatanong ko Manang. "  " N-naaksidente nga siya hijo. Hindi ba at naipaliwanag ko na s-sayo ang lahat? M-matulog ka na. " paliwanag nito pagkatapos ay tumayo na upang lumabas ng silid.  " TANGINA NAMAN MANANG! STOP FEEDING ME YOUR LIES! FVCKING TELL ME WHAT REALLY HAPPENED! " sigaw ng binata kaya napatigil sa paglalakad ang matanda.  Binaling ng matanda ang tingin sa binata bago nagsalita.  " P-pinatay siya G-gio. " nanginginig na saad ng matanda.  " W-what? " naguguluhang tanong ng binata.  " P-pinatay siya. Tinawagan k-ka niya noong g-gabing iyon p-pero hindi mo siya p-pinuntahan d-dahil sa g-galit mo sa pakikipaghiwalay n-niya sayo. " umiiyak na ngayon ang matanda habang nagpapaliwanag sa binata.  " H-hindi ko m-masabi sa iyo ito h-hijo dahil a-ayaw kong sisihin m-mo ang sarili mo. " umiiyak pa rin ang matanda habang lumalapit sa kinaroroonan ng binata. Niyakap nito ang binata na ngayon ay nagsisimula na ring tumulo ang mga luha at nakakuyom ang mga kamao habang nakatingin sa kawalan. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD