LSA30: 022

2376 Words

Agad akong napaatras nang mabangga ako nang tatlong kalalakihang tumatakbo sa hallway. Sa lalim ng iniisip ko hindi ko namalayan na may makakasalubong ako. Mabilis na nag-sorry ang isang lalaking nakabangga nakabangga ko. Balak pa sana niya akong hawakan nang umatras ako agad palayo sa kaniya na naging dahilan para maibaba niya ang kaniyang kamay.   “I’m sorry, Miss,” sabi nito agad. “Hindi ka po namin napansin. Ma-li-late na kasi kami sa klase namin.”   Hindi ko na siya sinulyapan o binigyan ng pagkakataon na lingunin. Naglakad na ako para lagpasan sila. May iilang estudyante tuloy na napatingin na lang sa amin dahil sa nangyari. Gusto ko pa sanang hawakan ang dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito ngunit hindi ko na ginawa pa. Kakasabi ko pa nga lang na ayaw kong may lumapit sa akin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD