Kakapasok ko pa nga lang sa rest house ay siya ring pagbaba ni Ruby sa hagdan. Natigil pa siya ng ilang segundo nang makita niya ako. Mukhang nagulat siya na ako ang unang nakita niya rito pagbaba niya galing sa kuwarto niya. Bigla ko tuloy naalala ang nangyari kanina, lalo na ang inakto niya towards me. I don't know what happened bakit ganoon na lang bigla ang pakikitungo niya sa akin. Bakit 'yon din ang mga salitang binitawan niya sa akin. Umasa ako na pwede mangyari ang nasa isip ko between us, pero mukhang lumalabo na naman sa hindi ko malamang dahilan. Ngunit may nagsusumiksik sa akin na mga pangalan kung bakit, lalo na noong nasa dalampasigan siya, ngunit binabaliwala ko ‘yon. Ayokong manghusga dahil sa ginawa sa akin ni Ruby. Ayaw kong mandamay ng iba dahil lang doon. May malaking t

