Nakita ko na lang ang aking sarili na nakatayo ngayon sa harap ng kuwarto nina Ruby after ng pag-uusap namin ni Gold. Hindi kasi ako makapaniwala sa biglaang pagbabago ng lahat. Akala ko ay tuloy-tuloy na eh kaya tuwang-tuwa ako. 'Yong feeling na excited na ako sa kung anong susunod na mangyari dahil sa nangyari sa amin noong hindi pa lumalabas si Ruby dahil may sakit 'to, pero bigla na lang nagbago. Hindi ako makapaniwala sa biglaang ikot ng mundo sa aming dalawa. Ang dami ring gustong gumitna bago pa masimulan ang lahat. I clenched my fist nang maalala ko ang napag-usapan minsan nina Isla at Lery. Hindi ko sinasadyang marinig ang naging sagutan nila minsan sa Hator. Saktong pagdating ko ay nakita ko ang dalawa na nagtatalo sa kusina dahilan para hindi nila ako mapansin. They are talk

