"Sa labas na lang tayo mag-usap about diyan," sabi na lang ni Doctor Cleo na sinang-ayunan naman ni Doctor Satora. Ayaw nilang pag-usapan ang mga bagay-bagay tungkol doon lalo na at hindi pa sila sigurado sa kung ano nga dapat ang totoong kondisyon ni Katheliya. They don’t want to share some false news sa magiging guardian pansamantala nito. "Labas muna kami, Lur Lali," sabi ni Doctor Satora sa kaniyang pamangkin na tumango lang bilang reaksyon sa narinig mula rito. "Call us if nagising na siya." Pahabol pa nito bago tuluyang umalis kasama si Doctor Cleo. Makalipas ang ilang minutong pag-alis ng dalawang doctor ay napabuga na lang nang hangin si Lur Lali nang maiwan siya kasama si Katheliya na mahimbing na natutulog ngayon. Naisipan niyang pagmasdan muna nang ilang minuto ang b

