"No, President Lur." Pagmamatigas ko. "After this, balik ulit sa President Lur at Miss Katheliya ang sa pagitan nating dalawa, dahil ‘yon ang tama." Bigla na lang siya natawa nang pagak sa narinig niya mula sa akin. "So, that is a goodbye kiss?" Habang nagsasalubong na ang makakapal niyang kilay. Hindi ako umimik o tumango man lang sa naging tanong niya sa akin. Tinitigan ko lang siya habang sinisiguro ko na walang emosyon siyang makikita sa mga mata ko ngayon. "You may take your leave now, President Lur," sabi ko. At tinalikuran ko na siya. Naglakad na ako papunta sa aking kama, hanggang sa narinig ko na lang ang pagbukas at pagsara ng pinto. Kasabay noon ang paglandas ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan. "Tangina ka, Katheliya!" gigil kong sabi sa aking sarili

