Maingat na naglalakad ako ngayon papasok sa silid na tinutulugan ngayon nina Gold and Ruby. Nang makabalik ako rito mula sa hideout ay agad na sinabi nina Italy sa akin na nilipat ng kuwarto sina Ruby para sa ikabubuti nito. Magkasama na sina Gold at Ruby sa iisang kuwarto para mabantayan daw ni Gold si Ruby while nagpapagaling 'to. Iniiwasan din nila na magising ‘to at mag-panic dahil nasa isang unfamiliar room na naman ‘to. At least, makikita niya agad si Gold para mapanatag daw si Ruby. It is best decision I guess lalo na’t pangalawang beses na ring nag-blackout si Ruby. Nang makita kong lumabas si Gold sa kuwartong nasa pinakadulo ng parteng 'to ng rest house ay naisipan kong magpatuloy sa aking paglalakad. Kasama pa niya sina Savannah habang nag-uusap ang mga ‘to sa mga bagay na

