"Siraulo ka, Lery! Bwisit ka!" sigaw ni Savannah. Saktong pagbabago ko ay siya agad ang narinig ko. Nakita pang hinahabol niya si Lery na tumatawa lang habang may kinakain 'to. Mukhang may ginawa na namang kalokohan ang isa kaya ganoon na lang si Savannah ngayon. "Bwisit ka! Mabilaukan ka sana!" sigaw ulit ni Savannah bago tuluyang nawala ang dalawa sa aking paningin. "Hoy kayong dalawa! Ibalik niyo ang mga gamit! Bwisit kayo!" Habol naman bigla ni Poland. Kamuntikan pa niya akong mabangga. Buti na lang ay napaatras ako agad. Napalingon tuloy ako sa kusina nang makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog mula roon. Kinakabahan man ay naglakas loob akong naglakad patungo sa kusina. Nabungaran ko sina Sweden at Belarus na nag-aagaw na-i-mix ang iluluto nila ngayon. "Hoy! Tumi

