"What do you want?" malamig na tanong ko sa kaniya. "What I want is your cooperation,” mabilis na sagot niya na naging dahilan para matawa ako nang pagak. Agad akong sumandal sa table na narito sa opisina ni Ping at tinitigan ko siya mula ulo hanggang paa bago seryosong tinitigan siya sa kaniyang mga mata ulit. Hindi ko alam na may talent ang isang ‘to na magpatawa ng ibang tao. "I told you, I don't need you," matigas na sabi ko sa kaniya ngunit umiling lang siya bilang tutol sa aking sinabi. The whole time ay nakatingin lang siya sa mga mata ko kaya mas lalo kong nilamigan ang pagtitig sa kaniya. I despise how she looked at me. Nakakairita rin sa pakiramdam. "Huwag mong lokohin sarili mo, Katheliya," ani niya para matawa ako nang pagak muli. "I know you deny things to

