LSA30: 005

3436 Words
Nakahiga ako ngayon sa sofa sa penthouse namin nina Gold and Gen dahil wala akong pasok sa araw na ‘to. In this penthouse, they are my roommates kaya kampante sina Daddy na humiwalay ako sa bahay as long as I am with the two kaya narito sila ngayon kasa-kasama ko. Also, instead na mag-rent ang dalawa rito sa Hatoria City ay naisipan ko na lang na ayain sila na mag-stay sa penthouse na lilipatan ko para easy for me na mahatak sila sa kung saan ko gustong magpunta. They obliged naman na pinagpapasalamat ko at nina Daddy, kasi mas makakaipon daw sila, which is a good decision talaga sa kanila at for me dahil may kasama na ako. Kailangan din nilang magtipid pangtustos sa pamilya nila sa probinsya. They are the breadwinners of the family. As a result, they must consider their families as well as themselves. Though malaki naman ang kinikita nila sa work nila sa akin, kasi malaki naman akong magbigay ng sweldo. Ayoko rin namang maging barat na amo, kasi hindi rin ako marunong maging ganoon. They get what they deserve.   “Ate Thel,” tanong niya sa akin nang mabaling sa akin ang atensyon niya, “Anong nangyari sa lakad niyo kagabi ni Ping?”   Matapos kong marinig ang tanong ni Gold sa akin ay hindi ko maiwasang mapasigaw na lang. Naging dahilan para lumabas si Gen sa kusina para tignan kung ano ang nangyayari sa amin bakit may nasigaw na lang bigla.   “Anong nangyayari rito?” tanong nito agad nang makita niya kami ni Gold na nasa sala lang ng penthouse. Pabaling-baling pa ang tingin niya sa akin at kay Gold na nakaupo lang sa kabilang side ng sofa na kinahihigaan ko. His face is etched with befuddlement.   “Ewan ko riyan kay Ate Thel, Gen,” sagot naman agad ni Gold. “Bigla-bigla ba namang sumisigaw. I'm just curious about what happened the night before."   Napatingin tuloy si Gen sa akin matapos sumagot ni Gold.   “Pina-remind mo pa kasi ang nakahihiyang gabing nangyari sa buhay ko,” sabi ko sa kaniya sabay upo ko at gulo ng aking buhok.   Nakita ko pa ang pagtataka sa dalawa dahil sa inaakto ko ngayon, pero nakahihiya talaga ang nangyari kagabi. Hindi talaga mawala-wala sa isip ko which is super weird for me. Dapat nga paggising ko wala na sa akin eh, kaso, wala. Parang ilang minuto lang makalipas ang nangyari kagabi 'yong nararamdaman ko. Like, kung ano 'yong nararamdaman ko kagabi, ramdam na ramdam ko ngayon lalo na noong maalala ko.   Kainis!   "Ano ba kasi nangyari?" tanong naman ni Gen.   “Ayokong pag-usapan.” Sabay busangot ko.   Bigla tuloy nag-sink in sa isip ko kung paano first time tumulo ang laway ang p********e ko dahil lang sa isang tao. Kung gaano ka-first time na maging affected ako pag nakakita ako nang dalawang taong nagmi-make out na siyang sanay naman ako, dapat. Because when I'm around, I occasionally catch Ping doing some shady things with her women. Pati na rin sa work ko, iilan sa mga nakakasama ko ay may mga kababalaghang ginagawa sa set, lalo na pag-busy ang lahat. Pero, bakit kagabi nanayo ang mga balahibo ko sa katawan? Bigla pang sumagi sa isip ko na ako ang pinapaligaya ng babaeng nakaagaw ng atensyon ko for the first time sa twenty-ninth year of my existence sa mundong 'to.   What the hell!   “Tang!na!” sigaw na mura ko na ikinasinghap ng dalawang kasama ko.   Sanay naman sila na nagmumura ako minsan, pero with a valid reason. Kaya nagugulat na lang sila ngayon kung anong dahilan kung bakit sobrang aga na ganito pa agad ang aking mood.   “Kiaga-agang mura naman ata ‘yan,” sabi naman ni Ping na saktong kakapasok lang sa penthouse naming tatlo nina Gold and Gen.   Speaking of devil, siya ang dahilan kung bakit nangyayari sa akin 'to. Kung hindi ba naman niya ako niyaya sa bar na 'yon ay walang nangyaring ganoong kahiya-hiya sa akin. Tahimik na sana buhay ko ngayon.   Nakahihiya talaga!   “Kasalanan mo ‘to eh!” sigaw ko agad at sinamaan ng tingin ang pinsan kong bagong dating.   “Anong ako? Kakarating ko lang tapos ako agad?” Mabilis na reaksyon nito.   “Sabagay, ikaw naman ang may kasalanan, Ping.” Sang-ayon naman nina Gold at Gen sa aking sinabi.   Napapairap na lang si Ping dahil napagkaisahan pa siya. Nasakto pa na kakarating lang niya rin sa penthouse.   “Hoy! Kayong dalawa, excuse me lang, ha? As far as I remember, wala akong ginawa kagabi para maging ganiyan si Katya!” Umirap pa ang bruha sa dalawa na ikina-ismid naman nila.   Binaling na rin ni Ping ang atensyon niya sa akin pagkatapos irapan sina Gen at Gold.   "Kung hindi mo sana ako hinabol at inaya na mag-bar ay hindi na sana mangyayari 'yon! Hindi ko sana magagawa ang isang bagay na hindi ko aakalain na gagawin ko at mangyayari sa akin.” Sabay sabunot ko na sa aking buhok.   Nag-re-replay kasi talaga sa isip ko ang mga tingin na binibigay sa akin ng misteryosong babae kagabi. Lalo na ang kauna-unahang pagngisi nito nang makita ang pamumula ng mga pisngi ko matapos niyang sabihin ang nakita niya sa sling bag ko. Ngisi na may kasamang panunukso na hindi talaga mawala-wala sa aking isip. Kaya naiinis talaga ako ngayong umaga.   “Hindi ko na talaga alam kung anong iniisip niya right now! Sana mabagok ang ulo niya at makalimutan niya ang mga nakita niya kagabi!” bigla kong sigaw na ikinanganga ng tatlo.   Doon lang din sumagi sa isip ko ang mga salitang binitawan ko sa harap nila.   I am doomed!   "Sh!t ka, Katheliya! Bibig mo!" Panenermon ko pa sa aking sarili after I saw their reactions.   Mabilis na naningkit ang mga mata ni Ping makalipas ang ilang minuto. Mukhang nag-iisip siya sa posibleng dahilan bakit ganito na lang ang aking inaakto.   “Anong nangyari kagabi at naging ganiyan ka? May nangyari ba sa inyo nang babaeng humabol sa ‘yo kaya ka nagmamadali na makaalis na tayo? Kaya ba hinabol ka niya?” sunod-sunod na naging tanong nito sa akin para ako naman ang mapasinghap this time.   That caught me off guard. Mukhang if ipagpapatuloy pa ni Ping ang mga ganoong tanong sa akin ay hindi ko na talaga alam kung malulusutan ko pa.   "What are you talking about, exactly? Buo pa ang puri ko! Jusko!” sigaw ko pa sabay hila sa unan na nasa tabi ko at niyakap agad ‘yon.   “Gaga! Wala naman akong sinabi na hindi na buo ang puri mo!” sigaw naman ni Ping at hinampas pa sa akin ang unan na nakuha niya lang din sa tabi ni Gold.   “Ano ba, Ping!” Daing ko sabay sinamaan siya nang tingin.   Ang sakit ng ginawa niya sa akin. May kasamang hinanakit 'yong hampas eh.   “Baliw ka kasi,” sabi pa niya at umupo na ‘to sa tabi ni Gold na siya ring ginawa ni Gen.   “Sa klase ng tanong mo parang ganoon, eh!” Depensa ko pa sa aking sarili.   Ayokong madehado sa lagay na 'to. Knowing Ping, she will go above and beyond at dinadaan sa pa ganiyan para makuha niya ang gusto niyang malaman.   “So, muntikan na nga na may mangyari sa inyo?” Sabay mapanuksong tingin na binibigay sa akin ng pinsan ko sa akin.   Sabi ko na nga ba, that is something she is not going to let pass. Pero hindi ko alam kung bakit feel ko umaakyat ang init sa aking mukha. Because of our topic today, I think I am starting to blush. Even though, wala naman talagang nangyaring ganoon sa amin pero nakahihiya talaga. Lalo na kung iisipin na wala pa ngang ginagawa ang misteryosong babae sa akin, pero nagawa niyang iparamdam sa akin ang isang pakiramdam na never ko naramdaman sa apat na ex ko at sa recent boyfriend ko—ang tumulo ang laway ng p********e ko.   Tang!na! Nag-wet ako dahil lang sa pagtitig ko sa babaeng ‘yon. Especially, nang matagal na napako ang tingin ko sa mapupula at manipis niyang mga labi na naging dahilan bakit parang nanunuyo ang aking lalamunan sa mga oras na 'yon.   “Hoy, Katya!” sigaw ni Ping sa harap ko kaya agad bumalik ang atensyon ko sa kanilang tatlo. "What's on your mind right now?" tanong agad ni Ping.   Hindi pa ako nakasagot agad kasi hindi ko alam kung anong isasagot ko. Iniiwasan ko na ang magiging sagot ko ay hindi magiging dahilan ng isa ko pang pagkapahiya kaya kailangan kong mag-ingat sa bawat iisipin ko at bibitawang mga salita sa harap nila.   “Ang pula ng mukha mo.” Pansin naman ni Gen na sinag-ayunan naman ng dalawang babae.   Kung ano-ano na lang napapansin nila sa akin ngayon.   “Tigilan niyo ako. Wala!” Tanggi ko pa na siyang hindi nila pinaniniwalaan.   "I believe something happened that caused you to act the way you are right now," sabi pa ni Ping habang nakahawak na 'to sa kaniyang baba habang nag-iisip.   "Wala nga kasi." Pamimilit ko pa.   “Imposible namang wala, kasi hindi ka naman ganiyan. Hindi ka naman kasi bothered sa ibang bagay not unless hindi ka napahiya o hindi naapakan ang ego mo. And also, if ever man na ganoon ay nawawala naman agad lalo na kung naitulog mo," sabi pa niya.   Hindi ko alam kung anong demonyong pumasok sa akin na naging dahilan para ma-voice out ko ang isa sa rason bakit ganito ako. Gulat na gulat pa silang tatlo after knowing kung anong nangyari sa amin ng babaeng tinutukoy ko at ni Ping.   "Seriously?" Hindi makapaniwalang reaksyon ni Gold sa narinig nila mula sa akin.   "Because of the strange feeling you feel when she's around, you left your sling bag unattended with your crotchless lace thong inside that wasn't folded neatly?" tanong pa ni Ping na ikinatango ko.   Mabilis kong tinakpan ang mukha ko dahil sa hiyang nararamdaman ko ngayon.   This is not totally me. Epekto ba 'to ng babaeng 'yon?   “Bakit mo ba kasi naisipang magpalit ng panty, Ate Thel?” tanong pa ni Gold.   Mas lalong uminit ang pisngi ko sa naging tanong niya sa akin.   “Ang dapat na tanong diyan, bakit niya pinalitan ang panty niya?” tanong naman ni Gen na siyang nagtutulak sa akin na tumakbo na papasok sa kwarto ko at magpalamon na sa penthouse dahil sa kahihiyang nangyaring sa akin ngayon at kagabi.   Kasalanan ng misteryosong babaeng ‘yon ang lahat. At kasalanan din ng p********e ko kung bakit ba naman kasi tumulo pa ang laway sa gabing 'yon!   “Hindi ‘yon ang dapat na tanong," rinig kong sabi ni Ping sa dalawa.   “Eh, ano ba dapat?” parang batang tanong naman ng mga ‘to kay Ping.   “Ang tanong, anong naging dahilan para magpalit siya ng panty? Dahil ba sa malapit na siyang datnan? O ang babae ba na ‘yon ang dahilan?” mapanuksong tanong ni Ping para mabilis na maibato ko sa kaniya ang unan na hawak ko.   “Tang!na ka, Ping!” sigaw ko na ikinahagalpak ng tawa ni Ping.   “Sabi ko na nga ba," malokong sabi niya. “Nag-wet ka dahil sa babaeng binigyan mo ng kakaibang hagod nang tingin kagabi.”   “Alpha Cyll Florenz!” sigaw ko sa buong pangalan niya dahil sa hiyang nararamdaman ko, kasi natumbok niya ang dahilan.   “Oh my gosh! Tama ako!” tawang-tawang sabi ni Ping na ikinaawang ng bibig nina Gold at Gen.   Halatang hindi makapaniwala ang dalawa, na ‘yon ang dahilan bakit ganito ako ngayon. First time rin kasi nila na marinig ang usapan about sa mga ganoong bagay. Masyado akong mailap o ayaw ko lang talaga pag-usapan. Hindi naman kasi ako katulad ni Ping na out and proud sa kaniyang pinaggagawa sa buhay.   “Tang!na is real!” sigaw ni Ping habang pulang-pula na ang kaniyang mukha katatawa. “Wasak na puri is waving!” Dugtong pa niya.    “Isusuko mo na ang puri mo?” hindi makapaniwalang tanong ni Gold.   Sa lahat na pwede niyang itanong, bakit ‘yon pa?   “Sa babae pa?” tanong naman ni Gen na hindi pa rin makapaniwala sa mga narinig nila.   "Bwisit! No! Why would I do such a thing? I have a boyfriend. I'm not going to give her my virginity. Jusko!" Mabilis na reaksyon ko sa naging katanungan nila sa akin.   Mapanuksong tinignan agad ako ng tatlo pagkatapos.   "So, you are going to let Vico pop your cherry that you have kept for the past twenty-ninth year of your life?" Sabay-sabay na tanong nila sa akin.   Umawang agad ang bibig ko sa narinig ko.   “Of course!” sigaw ko para manlaki ang mga mata ko.   “What the hell, Katheliya? Anong pinagsasabi mo?!” sigaw ko sa aking isip.   Agad kong tinakpan ang aking dalawang taenga sa malakas na sigaw nilang tatlo. Pati si Gen na lalaki ay parang baklang sumigaw ngayon dahil sa impulsive na sagot ko.   “I can’t take this,” sabi ni Gold habang pinapaypayan niya ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang mga kamay.   "Hindi na mananatiling virgin si Thel," sabi naman ni Gen na ikinatango naman nina Ping at Gold.   “Higit sa lahat, guys. Uusad na rin ang s*x life ni Katya!” sigaw naman ni Ping at tumatalon-talon pa.   Hindi ko na alam anong gagawin ko. Hiyang-hiya na talaga ako sa mga nangyayari ngayon. Bwisit kasi ‘tong si Ping. Isama mo pa ‘tong GG tandem na ‘to na laging naka-support kay Ping. Lagot talaga sina Gold at Gen sa akin mamaya.   Papasok na sana ako sa aking kwarto dahil hindi ko na talaga kayang mag-stay sa iisang place kasama ang tatlo, kaso biglang tumunog ang aking cellphone, pahiwatig na may tumatawag, ngunit hinayaan ko lang.   Grabe talaga ang hiyang nararamdaman ko. Parang gusto kong malusaw ngayon. Kahit hindi naman bagay sa katulad ko na may edad na twenty-nine na. Magti-trenta na ako next week na siyang hindi ko talaga kayang pigilan pa. Five days to go na lang before November twenty-one.  Nagbalik ang atensyon ko sa aking phone nang tumunog ulit ‘yon. Kukunin ko na sana ‘yon kasi nasa sofa lang naman kung saan ako nahiga kanina, kaso bigla na lang ‘yon nakuha agad ni Ping.   “Babe,” sabi ng taong nasa kabilang linya.   Agad namilog ang aking mga mata nang mapagtanto ko na si Vico ang tumatawag. Ni-loud speak pa ni Ping para marinig nilang tatlo ang magiging usapan namin. Mabilis akong nakalapit kay Ping para agawin ko ang aking cellphone ngunit, mabilis naman akong niyakap ni Gold galing likod. Mini-make sure na rin niya na hindi ako makakawala para hindi ko magawa ang aking binabalak na pagkuha sa phone ko mula kay Ping. Nakita ko rin kung paano naiiling na lang si Gen sa ginagawa ng dalawang babaeng kasama namin.   "Ilapit mo," mahinang sabi ni Gold kay Ping kaya mabilis namang sinunod ng isa.   "Babe? Are you there?" tanong naman ni Vico.   Hindi sana ako magsasalita nang bigla akong kurutin ni Ping.   “Ouch! Ano ba?” Reklamo ko sa ginagawa ng dalawa sa akin.   Nagpupumiglas din kasi ako, kaso hinigpitan din lalo ni Gold ang pagyakap sa akin. Naka-lock na rin ang dalawang kamay ko kaya hindi talaga ako makawala-wala.   “Are you okay, babe? May problema ba?” nag-aalalang tanong naman ni Vico nang marinig ako.   “Yeah," maikling sagot ko na ikinatampal nina Ping at Gen sa kanilang noo.   Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang sila mag-react. Ganoon naman din kasi ako sumagot ng tawag mula kay Vico.   "All right, I thought may nangyari sa ‘yong masama," he stated. "Anyway, I would like to go there. Could you please send me the exact address and number of your penthouse?" tanong pa nito na ikinakunot ng noo ko at ikinailing ng tatlo.   Even though malapit na kaming mag-a-anim na buwan ni Vico ay limited lang talaga ang alam niya sa akin. Hindi ko rin binibigay sa kaniya lahat ng social media accounts ko especially ang address ko. Mag-mi-meet lang kami sa isang lugar. I just don’t like the idea to do so, kasi alam ko naman na sooner or later ay maghihiwalay rin kami. Baka puntahan niya ako at manggulo after, na siyang iniiwasan ko talaga. ‘Yon naman sana ang gagawin ng ibang ex ko, kaso hindi nila magawa-gawa dahil hindi nila alam saan ako nakatira. If ever na may alam sila ay hindi totoo ‘yon. Nililigaw lang sila lalo ng impormasyong meron sila. Isa kasi kami sa pamilyang pinoprotektahan ang privacy namin kahit sikat naman kami dahil sa iba’t ibang tinatahak namin na profession o trabaho. Besides, nariyan naman ang bodyguards ni Daddy na nakakalat lang kung saan-saan na siyang numero unong haharang talaga sa magtatangka.   “No. Hintayin mo na lang ako sa condo mo,” nasabi ko na lang.   "Why?" takang tanong pa niya. "I just want to see your place. Gusto rin kitang makita," ani pa niya.   Agad namang umikot ang mata ko dahil nag-i-insist na naman siya.   "Should I go there, or should I cut all of our connections right now?" tanong ko na ikinatahimik ni Vico sa kabilang linya.   Nakita ko kung paano napa-ow sina Gen at Ping sa narinig. Mukhang hindi nila inaasahan na ganoon ako makipag-usap sa boyfriend ko. Napabuntong hininga na lang ako dahil doon.   Kung alam lang talaga nila.   “Maging sweet ka naman,” bulong naman ni Gold sa akin matapos marinig ang naging sagot ko kay Vico, pero hindi ko pinakinggan.   "Then I will wait for you. I miss you. Bye." Tuluyan na nga niyang pinatay ang tawag at hindi na hinintay pa ang magiging sagot ko sa kaniya.   Binitawan na rin ako ni Gold dahil sa nangyari. Halatang hindi nila inaasahan ang nangyaring usapan kani-kanina lang.   “O to the M to the G,” sabi ni Gold na mukhang nanghina pa ata sa mga narinig niya. “Kaya hindi nag-wo-work kasi ganiyan ka pala, Ate Thel!” Dugtong pa niya na sinag-ayunan naman nina Gen at Ping.   Hindi ko tuloy maiwasan na iikot ang aking mga mata dahil sa reaksyon nila.   “Pero ‘yong ‘I miss you’ niya kanina parang may binabalak.” Pansin naman ni Gen.   Hindi ko alam, pero bakit nakaramdam ako ng kakaiba sa kaniyang sinabi. Parang kinakabahan ako na hindi ko matukoy kung bakit.   "Hala siya! Baka ganiyan ka kaya ‘yan naisip mo.” Pangbabara naman ni Ping na ikinakamot na lang ni Gen sa kaniyang batok.   “Huli! Malibog is real!” Alaska naman agad ni Ping na ikinangiwi naman agad namin ni Gold.   Nagpang-abot na naman ang mahihilig sa s*x. Hay naku naman talaga.   "Pero kung ganoon nga," parang nag-iisip pa na sabi ni Ping. "So, wasak ang puri is waving again,” sabi pa niya nang mabaling sa akin ang atensyon nito ngayon.   Napapairap na lang ako sa kaniyang sinabi at iniwan na sila matapos kong makuha ang cellphone ko kay Ping. I need to take a bath na rin kasi hindi ako naligo kanina paggising ko.   After I do my usual routine bago umalis ay nakatanggap pa ako ng photo from Vico. Naka-sweat pants lang siya habang walang suot na damit. Halatang nasa kusina ‘to dahil may dala pa siyang sandok at kitang-kita ang counter top.   'Waiting for you for lunch.' Nakalagay pa na caption na siyang ikinailing ko na lang.   Gusto ko makaramdam ng excitement dahil full package na siya and I feel naman na magaling nga siya sa kama ngunit, wala. Ewan ko ba sa puri ko at sa sarili bakit walang karea-reaksyon man lang. Pero hindi naman kasi s*x habol ko sa isang relasyon.    "You don't need a man."   Agad na pinilig ko ang aking ulo nang maalala ko na naman ang sinabi ni Ping sa akin sa bar.   “Umuwi ka na sana na wasak na ang puri mo! Matanda ka na, hoy!” rinig ko pang sigaw ni Ping sa akin nang makita akong palabas na rin ng penthouse. Narinig ko pa ang pagtawa nina Gen at Gold sa sinabi nito.   Ewan ko ba sa kanilang tatlo, lalo na kay Ping kung bakit needed na mawasak na ang puri ko. Necessary ba talaga 'yon? Besides, I want to give myself lang naman sa taong alam ko na makakatuluyan ko sa huli.   Si Vico na nga ba ‘yon? Maybe yes, or not. I don't know! Bahala na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD