Napamura ako nang makarinig ako na may bumukas ng pinto sa fire exit sa baba. Agad akong napapasok at mabilisang naghanap ng kuwartong pwede kong mapasukan. Saktong dumaan sa harap ko ang magbabarkada kaya mabilisan akong nakihalubilo sa kanila. Akala ko ay magre-react sila at magtatanong kung sino ako. But instead, nagtanong pa ang isa kung bakit ang putla ko na siyang ikinataka ko. Instead of asking more ay hinila nila ako papasok sa kuwartong inukupahan nila. Aalis na sana ako gamit ang binta nang bigla akong pigilan ng mga 'to. "You are bleeding." Sabay turo nila sa bandang tagiliran ko. “Hahayaan ka namin umalis kung magamot na natin ‘yan. Mukha mang kaya mo pero nanghihina ka.” Doon ko lang din naramdaman ang kirot sa aking natamong daplis kanina. I frowned nang may isang bab

