Irish POV Ilang buwan ang nakalipas noong muntik nang mawala siya sakin. Nakita ko kung gaanp ka tight ang pamilya nila kahit pa sa ganitong kaganapan. Nakita ko ang pagmamahal nila sa isa’t isa kahit pa may Malaki kang nagawang kasalanan. Bumalik si Alex matapos ang ilang linggong pagtatago. Umamin siyang halos sumama siya sa mga plano ni Angeline laban sa pamilya nina Matt. Pero dahil sa takot ay nagtago na lamang siya. Inamin niyang may nararamdaman siya para kay Angeline kung kaya’t tinulungan niya ito. At bago pa nailibing ang lolo nila ay nakita na niya si Angeline. Halos malaking drama ang naganap sa kanilang pamilya. Kung noon ay di maipakita ni Tito Stephen na nag aalala siya sa kanyang panganay, ngayon ay Humingi siya ng tawad at naipapakita na niya kung gaano na niya ito napa

