Irish POV Bumalik na ako sa aking nirerentahan. Bigla akong kinabahan sa tinext sakin ni Matt na sinundan daw siya nang isang kotse. Mabilis akong naligo at nagbihis. Ako lang mag isa sa bahay dagil nagsi pasukan na sila. Yung isa naming kasama ay di pa umuwi. Akmang aalis na ako nang may kumatok sa pintuan ko. Hindi na ako nag abalang tignan kung sino yung kumatok basta ko nalang itong binuksan. Si aling Elma pala, pero bakit nandito siya? Nagtataka ako pero nakangiti pa ding pinapasok ko siya sa loob. “Ay di na ineng, napadaan lang ako. Pinuntahan ko kasi ang kaibigan ko dito. Nangangamusta lang ako sayo iha, aalis na din ako. Sige iha, ingat ka.” “Kayo din po. Mag ingat din po kayo.” Nagkawayan kaming dalawa. Isinara ko nanaman ang pintuan, naghahanda na ako sa paglabas nang may ku

