MARTINA Sa isang simpleng restaurant kami kumain na tatlo. Hindi masyadong pansinin ang restaurant na ito pero marami ang mga taong kumakain ng mga oras na iyon. Filipino delicacies ang karaniwang niluluto sa restaurant na pinuntahan namin kaya naexcite ako sa mga inorder ni Yohann para sa aming tatlo. May sinigang na hipon, relyenong bangus at kare-kare na inorder si Yohann kaya hindi ko napigilang mapadami ng kain. Maging ang dalawa kong kasama ay maraming naiakyat na kanin sa sarap ng mga ulam. Nagbibiruan pa silang dalawa sa mga kalokohang pinaggagawa ng mga ito dati ng may isang babae ang lumapit sa mesa namin at parehong napatigil ang dalawa sa pagkain. “So, this is what you do all day?” maarte nitong tanong. Una kong tiningnan si Albert na napainom agad ng tubig ng marinig ang

