Martina Parang may kung anong mabigat ang nakapatong sa kalahati ng katawan ko ng maalimpungatan ako at magising ng sumunod na araw. Sunod kong sinulyapan ang lalakeng parang ahas na nakapalupot sa katawan ko ngayon. Napangiti ako at napuno ng saya ang paligid ko ng maalala ang lahat. Mahimbing na natutulog si Yohann sa tabi ko at mas lalong kong nagustuhan ang hitsura nito ngayon. Gulo ang buhok at kita ang mahahabang pilikmata nito. Matangos ang ilong nitong bagay na bagay sa hugis sa pangahan nitong mukha. Maputi ang balat nito na nakahantad ngayon dahil pareho kaming walang saplot. Saglit kong hinagod ang kanyang gulong buhok para malapitan kong mapagmasdan ang guwapo niyang mukha. Bahagya itong umungol dahil sa ginawa ko kaya para akong napaso at mabilis kong binawi ang kamay kong

