Chapter 11- Nagbabalik
Aidan P.O.V.
Masaya akong pag masdan si Ysa sa malayo. Habang naglalakad ako sa isang mall ay agad kong nakita si Ysa, nagpasya ako na surpresahin sya at hindi sabihin sknya na nagbalik na ako at parehas kami ng kumpanyang papasukan. Miss na Miss ko na ito. Matagal kaming hindi nagkita. Nawala ang aming contact ng nagpasya akong pumunta ng USA upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral dun. Hindi alam ni Ysa na lumayo ako saknya dahil rin sa isang rason, na kailangan ko bantayan ang aking Ina na nandun na may sakit. Kasabay din nito na pagbigay sakin o paghabilin saknin ng isang negosyo namin roon. Narito ako para tuparin ang mga pangako ko kay Ysa. Ngunit nalulungkot ako ng makita ko si Ysa sa malayo na may kasamang isang lalake na magkaholding hands. Ano nya kaya ito? wala sa katinuan ng nalayan kong sinundan ko ang dalawa nakakatitig sa babaeng mahal na mahal ko. Napansin ko si ysa ng makita nya ako at agad naman akong nagmadali at nagtago. Ayokong makita nya ako. Gusto ko sya surpresahin, pero bat parang ako ang na surpresa sa mga nakita ko. Excited na ako sa lunes! See you honey. sambit ko habang pinamamasdan ang picture ni Ysa.
Pumasok kami sa isang opisina. Nakita ni Aidan ang napakagandang mukha ng kanyang Minamahal. " Ysa, Ito pala si Aidan. Aidan James Salazar. Ang iyong partner sa trabaho." Pagpapakilala ni Carlo, eto si Ysa at talagang pinipigilan ang kanyang pagluha. at inaabot ang kamay nito kay Aidan. " Hi Aidan, Ysaline, please call me Ysa." At inaabot din ni Aidan ang kanyang kamay habang titig na titig kay Ysa, na kung mababasa lamang ang mga mata ng lalake ay ang ibig sabihin na Miss na miss nya na si Ysa. "Ehem" ng parang hindi sinasadyang pagkasamid ni Carlo ng mapansin na matagaal ng nakahawak si Aidan kay Ysa. "Ang ganda nya no, pati ikaw nabihag, pero marami kang kaagaw. at isa na ako roon." Bulong ni Carlo kay Aidan at agad naman kinagulat ito ni Aidan, at napangisi nalang ng tignan si Carlo. "Okay then lets go for lunch meeting." Pagyaya ni Carlo. "Sunod ako sir may tatawagan lang ako. check ko lang kung andyan na ang sasakyan ko." Sambit ni Ysa. "Kahit wag mo ng pahatid, ako na maghahatid sayo Ysa," Pagalok ni Carlo. "No thanks boss, I can manage." Pag-irap nito kay Carlo.
Ysa P.O.V.
Pagkaalis ni Aidan at ni Sir Carlo ay hindi ko na mapigilan ang aking mga kuha na tumulo, na ng mahawakan ni Aidan ang aking kamay ay mabilis ang pag t***K ng aking puso, animo ay mag nagkakarehan mga kabayo. Bakit ngayon lang? Nagyaya si sir Carlo upang maglunch sa BGC na malayo saming opisina. At dahil ayaw kong makisabay ni kahit sino saknila ay agad kong tinawagan si Brian upang tanungin kung nasa parking na ba ang sasakyan ko. Ngunit iniwan pala ni Brian ang sasakyan na gamit namin kanina isang Ford 4x4 na talagang panglalake ang gamit namin at iniwan ang susi sa may guard at binilin nya raw.
Sabay sabay kaming bumabang tatlo papunta sa parking ng nasa parking na e."Ysa hindi ko makita ang sasakyan mo." Sambit ni Sir Carlo na hihilahin na sana ako sa knyang sasakyan na agad akong umiwas at kinuha ang susi ng sasakyan. Laking gulat ng dalawa na makita ng tumunog ang isang Ford 4x4 na naka customize na napakalaki ng gulong.
"bago ba yan." Tanong ni Carlo. "Hindi po sa pinsan ko po, iniwan nya pala kanina nung hinatid ako." Sambit ko na napatingin sa dalawa. Naiinis ako kay Brian at alam na alam nya na ayaw kong gamitin ito dahil sa bukod na hindi naman ako ganun katangakaran ay napakataas ng aking sasampahin. Nagulat ako ng sinabi ni Aidan na. " Sir wag na lang tayo mag dala ng sasakyan sumabay na lang tayo kay Ysa." Pag sambit ni Aida, "Good idea. ayoko rin mag drive." pag sang ayon ni Carlo.
Nagmamadali si Ysa, sa loob upang linisin ang loob ng sasakyan inayos ang mga papeles na for review nya. at baka malaman ng mga ito na sya ang tumatayong OIC COO sa kumpanya ng mga Mendez, kilala ang mga Mendez na isa sa mga kalaban nito pagdating sa ibang produkto. Mendez Enterprises Incorporated. ng masiguradong malinis na at nailagay na sa isang bag ang mga papeles ay agad na pinapasok ni Ysa ang mga to. Na nagtaka naman sya nakunin ni Aidan ang Susi at sya daw ang mag drive. At agad nag tungo sa likod si carlo dahil matutulog daw ito.
Traffic sa EDSA at ng matawa si Ysa na marining ang malakas na pag hilik ni Carlo. at siguradong tulog na ito. "I miss you honey." Sambit ni Aidan ng biglang napatigil sa mahinang pagtawa at napatingin sa bintana si Ysa. Pilit pinipigilan ng babae ang pagluha. ng Biglang tumunog ang cellphone nito. Nakitang tumatawag ang asawa nya.
Ysa
Hello.
Brian
San punta nyo?
Ysa
BGC. Lunch meeting. Sakin sila sumabay. Call you later. Bye.
Brian
Okay. Ingat.
"Sino yun?" Pagtatanong ni Aidan. "Anong pakealam mo?" sagot ni Ysa. "Can we talk honey?" Mahinang sambit ni Aidan.
"ABout work?, Okay, then." Sagot ni Ysa. "No!!." Napalakas ang boses ni Aidan, "Then wala tayong dapat pag usapan." Sambit ni Ysa. ng biglang maramdam nila si Carlo na Gising ng saktong pagkarating nila sa restaurant. maraming silang pinag usapan at si Ysa ang inaasign ni Carlo sa system and people, process development. at si Aidan naman ay paobserve observe muna sa mangilan ilan mga gawain. At si Ysa rin ang nakatoka upang itrain si Aidan, na kinatuwa ni Aidan dahil pwede mas madalas na silang magkasama. at may mga oras rin na masosolo nya ito dahil pag nag field work sila. Nagpaalam saglit ni Ysa upang pumunta ng restroom. Napatingin sa salamin at hindi mapigilan ang pag bagsak ng mga luha nito. sabay sambit na "Nagbabalik na talaga sya. Anong motibo nya? at Huli na ang lahat."