“Mr. Cuevas is a nice topic, baka naman gusto mong magkuwento,” wika ni Benjie habang kumakain sila ng tanghaling iyon, kagagaling lang nila sa production site ng kumpanya. “Makulit siya actually, ang sabi niya it is really friendship ang reason dahil gusto niyang makilala muna ako.” “Aba, may sistema pa si papa ah.” “Mukha namang dedicated siya sa hangarin.” “Halata nga, panay ang roses and chocolates sa office mo eh. Kaya tuwang-tuwa si Cathy, pati kasi siya naaambunan.” “Maging sa bahay ay nagpapadala rin siya.” “Ay ganoon ba? Eh, kumusta naman siya sa iyo?” “Okay naman sana kung talagang friendship lang, kaya lang hindi naman ako manhid para hindi maramdaman na it is more than friend ang kanyang intention. It’s obviously at the start.” “Do you think, it is about time for you t

