CHAPTER 4 – Captured the Businessman’s Heart

3024 Words
Nakarating si Maricon sa meeting place eksaktong alas sais ng gabi. Malayo pa lang siya ay nasulyapan na niya ang maluwang na ngiti ng matandang Don pagkakita sa kanya. Hindi niya naiwasan ang salubong na halik sa pisngi ng matanda at iniabot ang bugkos ng mga bulaklak. “Have a seat,” masayang wika ng matanda. “Thank you,” seryosong sabi ni Maricon saka naupo. Tinawag ng matanda ang waiter at saka sila umorder. Napakaganda ng ambiance sa restaurant na iyon, kung sanang mahal niya ang kasalo ay maiisip niyang isa siyang prinsesa ng mga sandaling iyon. Kasabay pa ng classical music na tinutugtog ng band on stage. “I talked to my lawyer yesterday, and I authorized him to be in-charged with all the requirements for our wedding preparations,” nakangiting kuwento ng matanda. Tumango-tango lamang ang dalaga. “Kung alam mo lang na naunahan ka na naming magpaschedule,” sabi sa sarili. “I will bring you to a famous wedding designer here in New York tomorrow so that you can have a gown fitting and be rushed. I already approved the layout of our invitations and my secretary will rush them to our wedding coordinator tomorrow,” Masayang kuwento ng matanda. “Naku patay! Kailangan talaga madaliin na ni Gilbert ang pag-asikaso para hindi ako maipit,” Sabi niya ulit sa sarili. “Do you have any suggestions or ideas on how our wedding would be you?” Tanong ng Don. Noon ay inumpisahan ng idulot ang kanilang in-order na pagkain. Hindi pinansin ni Maricon ang tanong ng Don sa halip kunwa’y inabala ang sarili niya sa panonood sa waiter habang inaayos sa kanilang harapan ang dalang pagkain. Todo abot naman ng pagkain sa kanya ang Don matapos makaalis ang waiter sa kanilang harapan at nailagay na lahat ng kanilang order. “Do you want to get involved in the preparations for our wedding?” Muling tanong ng Don. Umiling lamang si Maricon saka tila walang ganang nakatingin lang sa pagkaing nasa plato nito na inilagay ng Don. “I promise, you will not regret this,” malambing pang sabi ng matanda at nagtangkang hawakan ang kanyang kamay. Bahagyang naiurong naman niya at ikinagulat naman ng sa halip ay isang kamay mula sa kanyang likuran ang humawak. “May I please dance with your date, Mister? I promise it won’t take long.” Nagulat man si Don Guillermo ay hindi ito agad nakabawi ng tanggi. Tanging pilit na ngiti lamang ang kanyang naging pagsang-ayon. Gulat man ang dalaga ay hindi ito nag-atubiling sumama sa dance floor ng mapagsino ang humawak ng kanyang kamay. Nagsimula silang pumagitna sa ibang mga magkakaparehang nagsasayaw din sa tugtog ng isang malamyos na awitin. “What are you doing here?” Pabulong na tanong ni Maricon sa binata. Hapit siya sa baywang ni Gilbert at siya naman ay nakahawak sa magkabilang balikat ng binata. “I’m in a business deal at the moment, and then I notice you with that old man,” walang ngiting sagot ni Gilbert. “Where is your ring?” Puna ni Gilbert “I took it off, hindi kasi niya pwedeng makita,” paliwanag ni Maricon habang nailang sa sitwasyon nila ni Gilbert, pakiramdam niya ay ma-otoridad ang mga hawak sa kanya ng kasayaw. “Why are you with that man?” Tanong ulit ni Gilbert. Hindi mawari ni Maricon kung naiinis ang kausap sa tanong o may kakaiba siyang damdaming nakikita sa binata. “He invited me for a dinner date, hindi ko siya maaaring tangihan, not until you’ve settled my commitment with him. Bukas nga daw ay pasusukatan na niya ako ng wedding gown and our wedding invitations will be rushing on the process.” Tumiim ang bagang ni Gilbert. Lalo pang hinapit palapit sa kanya si Maricon. “Do some alibi so that you won’t have your gown fitting tomorrow,” may inis ang sabi ni Gilbert. Pakiramdam ni Maricon utos iyon mula kay Gilbert. “Wala akong alam na maidadahilan. Alam niyang wala akong maaaring pagkaabalahan dito sa New York,” kunot noong sagot ni Maricon at tumingin sa mga mata ng kasayaw. Buntong hiningang sinalubong ni Gilbert ang mga mata ng dalaga. “By the way, the contract is ready for you to sign. Go to my house early tomorrow and don’t leave until I meet you there.” “Pero paano ang lakad ko bukas para kay Don Guillermo?” Pag-aalalang tanong ni Maricon. “You will go to his house tomorrow with the blank check for the payment of your obligations,” may pagkakairitang sagot ni Gilbert. “Pero akala ko gagawin mo iyon after our wedding?” Medyo naguluhan si Maricon. Nagtataka siya sa biglaang desisyon ni Gilbert. “Do you like it or not?” Tila naiinis na tanong ni Gilbert. “Of course, I like it.” “Then no questions ask!” Nangislap ang mga mata ni Maricon, wala sa loob na yumakap siya ng mahigpit sa kasayaw. Naluha pa ito ng kaunti. “Salamat, maraming salamat Gilbert! You’re truly my hero!” Ngumiti lamang ang binata. Hindi nagpahalatang ikinagulat niya ang ginawa ni Maricon. “I - - - I’m sorry, I just got carried away,” sabi ni Maricon matapos kumawala sa pagyakap sa kasayaw at ma-realized ang ginawa. “I’ll send you back to him, his looks could kill us,” hawak sa siko na inalalayan pabalik sa upuan ang dalaga. “I’m so sorry for disturbing your evening, Mister, thank you for allowing me to dance with your date,” nakangiting wika ng binata kay Don Guillermo. Mapaklang ngiti ang ganti ng matanda. “Do you know that man?” Kunot ang noong tanong ng Don sa kanya pagkaalis ni Gilbert sa harapan nila. “I- - - - I don’t know him. I thought he’s one of your acquaintances,” pagtatakip ni Maricon. “No. I don’t know him either. Anyway, let’s forget about him, we’re here to get to know each other well,” saka pa nangiti ang matanda. “Tomorrow after you have your gown fitting, I will show you around the view of New York City, and I assure you, you’ll  enjoy every view with me,” pagmamalaking bida ng Don. Pilit na ngiti lamang ang itinugon ni Maricon. Buhat sa kanyang kinauupuan, tanaw niya si Gilbert sa grupo ng kanyang mga ka-meeting. Pansin din niyang maya-maya ang sulyap sa kanya nito. Pinilit naman niyang iniwasan ang mga tingin sa kanya ni Gilbert, ayaw kasi niyang madistract siya at makahalata ang Don. “You know, I have a lot of plans for you my dear Connie, I want you to have a good and comfortable life with me,” pagseseryoso ng Don. Humugot ng malalim na buntong hininga si Maricon kasabay ng pagsalikop sa dalawang kamay na nakapatong sa mesa bilang tugon sa tinuran ng kausap. “I know so well that you are in disgrace for having me to be your soon to be husband, and I can also tell that you are just being forced by the obligations that your late father engaged you with. But please, give me a chance to prove myself and my pure intentions to you, to have you as my wife,” sinserong wika ng Don. Walang kibong nakikinig lamang si Maricon. “The truth is, I’d reached this age and didn’t get interested to any woman out there, but for the first time I saw you, I got attracted to you and dreamt that one day, I’m gonna marry you. I am sorry if I used your father’s situations when your family business has experienced a downside. It is just my very way to have you,” pag-amin nito na ikinakunot ng noo ni Maricon. “Yes, my dear Connie, it’s really my intention, but I am not regretting it, because I am happy now that I have you and soon to be my legal wife,” saka pa nagtangkang hawakan ang kamay ng dalaga subalit mabilis na binawi nito. Nagulat si Maricon sa mga narinig mula sa mga sinabi ng Don, nablangko ang isip nito sa mga nalaman. Samantala, sa table naman nina Gilbert, kanina pa siya tinutukso ng isa sa mga acquiantances niya tungkol sa ginawa niyang pagsayaw kay Maricon. “It seems you are attracted to that lady Mr. Servantes, you cannot take away your eyes from her,” puna ng isa sa kasamahan nito. Noon ay tapos na ang deal nila at nagpapalipas na lamang sila ng oras at nagkukuwnetuhan. Tumatawang sumaang-ayon naman ang dalawa pang kasama nila. “Maybe finally, he has found the woman that captured his evasive heart,” dugtong pa ng isa, na lalong ikinalakas ng tawanan nila. Nakitawa lang si Gilbert at muling sumulyap sa kinaroroonan nila Maricon. Muli, sa table naman nila Maricon at Don Guillermo, kanina pa pakiramdam ni Maricon ang tila nagsisikip ang dibdib sa mga bagay na inamin sa kanya ng Don. Sumasama lalo ang kanyang damdamin sa mga natutuklasan. At wala siyang magawa sa mga nangyari na. “I know, despite our big age gap, that people might think that I am your father, but I don’t care, because I like you so much,” patuloy ng Don sa kanyang pagtatapat. Nanatiling walang kibo ang nakakunot noong si Maricon at napapapikit na napapailing sa mga naririnig. “I am telling you all these things now because I want to start with a clean heart when we are already married. And I’ll do everything for you to learn to love me.” “You’re such a fool!” Sa wakas ay nawika ni Maricon ng may galit na tono. Tumayo siya upang iwanan ang kaharap dahil baka hindi niya mapigilan ang galit nito at masampal niya at masigawan ng mura, subalit mabilis siyang nahawakan sa kamay ng Don. “Hey, where are you going?” Pigil ng Don. Matalim ang tingin ni Maricon sabay galit na tinabig nito ang kamay ng matanda. At halos patakbo niyang nagmadaling tinungo ang pintong palabas ng restaurant. “Connie!” Tawag ng Don at nagmadaling kumilos upang habulin sana si Maricon subalit, agad na lumapit ang waiter sa kanya upang ipaalalang hindi pa siya nagbabayad ng bills. Dahil panay ang sulyap ni Gilbert sa kinaroroonan nina Maricon, nakita niya ang nangyari kaya’t napatayo siya ng dumaan ang nagmamadaling si Maricon sa tapat ng kanilang table. “Hey, what happened?” Takang tanong nito sa dalaga, subalit tila hindi siya napansin o narinig ng emosyonal na tinanong at tuluy-tuloy lamang itong nagmamadaling lumabas. “Please excuse me,” mabilis niyang paalam sa mga kasama saka hindi na nito hinintay ang sagot ng mga kausap agad siyang sumunod palabas kay Maricon. Tila naman nauunawaan ng mga kausap ang kanyang naging gestures kaya mabilis din silang umoo dito. “Taxi!” Narinig niyang tawag ni Maricon sa isang taxing paparating, at nang huminto naman ang taxi sa harapan ng dalaga at anyong sasakay na ito ay saka niya ito naabutan at mabilis na hinawakan sa braso at pinigil na makasakay sa taxi, saka sinenyasan ang taxi na umalis na lang. Napatingin naman si Maricon sa lalaking humablot ng kanyang braso at tangkang babawiin sa pag-aakalang si Don Guillermo ang may gawa, subalit napanganga siya at narelieve ng mapagsino. Iginiya naman siya ni Gilbert sa kanyang sasakyan na nakapark lamang malapit sa entrance ng restaurant. Walang tanong at pagdadalawang isip na sumakay si Maricon sa sasakyan ng binata ng ipinagbukas siya nito ng pinto. Nang pareho na silang nakasakay sa loob ng sasakyan ay binuhay na ni Gilbert ang makina at mabilis na pinasibat sa venue ng makita niyang nakalabas na ng restaurant ang Don at tila hinahanap ng mga mata niya si Maricon. Pareho silang walang kibo habang nasa loob ng sasakyan, pareho lamang silang nakatingin sa dinadaanan ng sasakyan. Pinakiramdaman lamang ni Gilbert ang sitwasyon, samantalang panay ang malalim na buntong hininga ni Maricon na tila pinipigil ang galit na emosyon. Maya-maya ay huminto sila sa open space parking lot ng central park. “Now tell me, what happens?” Tanong ni Gilbert saka siya humarap ng tingin kay Maricon. Bumuntong hininga lang ang tinanong at hindi sumagot ni lumingon sa kanya. Sa halip ay ipinaling sa tabi niyang bintana ang mukha at tumingin sa labas ng bintana. “Hey, how can I help you if you keep behaving like that?” “Huwag mo nalang akong pansinin, naiinis lang ako sa matandang iyon,” nagpipigil pa ring wika ni Maricon. “I hope I am not crossing the line with your personal problem, I just want to help.” “I just learned from him na pinasakay niya ng husto ang Daddy ko, kunwari ay tutulungan at ng malubog na sa pagkakautang ay ako ang hininging kapalit. At iyon talaga ang intention niya, upang mapasakanya ako. Isipin mo iyon? He set a trap for my father and he used my family’s business just to have what he wanted,” pinangiliran ng luha sa mata si Maricon habang nagkukuwento. “How did you say that?” “Inamin niya sa akin kanina, para daw mag-umpisa kaming maayos ang lahat bago ang kasal namin,” kasabay ng buntong hininga ang pagpupunas niya ng namuong luha sa mga mata upang hindi tuluyang malaglag. “That bastard!” Nailing na wika ni Gilbert. “Nagpigil lang ako, kung hindi baka naghisterikal ako sa harapan niya kaya I chose to run away from him and left him there. Buwisit na matandang iyon!” Pakiramdam niya ay hinihingal siya sa galit. Maya-maya ay binuksan ang pinto at lumabas ng sasakyan saka sumandal dito nang maisara muli ang pinto. Nanatili namang nakaupo sa driver’s seat si Gilbert na sunod tingin lamang sa ginawa niya. Nagcross arms si Maricon at muling huminga ng malalim, nagsisikip parin ang kanyang dibdib sa pinipigil na galit. “Fresh air from this park is just good for you to breathe and relax.” Narinig nalamang niyang nagsalita sa tabi niya si Gilbert na nakalabas na rin pala ng sasakyan at sumandal din ng may isang  metro ang pagitan sa kanya. Nilingon lang niya ito. Nagtama ang kanilang paningin. Unang nagbaba ng tingin si Maricon saka yumuko at sinipa-sipa ang isang dahon sa may paanan niya. “Are you relieved now?” Tanong ni Gilbert matapos ang ilang may kahabaang sandali. Nag-angat ng tingin si Maricon saka pinagtikom ang kanyang mga labi pakiramdam niya ay lumuwag na ang kanina’y naninikip na dibdib. Nang mawari niyang nahimasmasan na siya buhat sa matinding galit kanina ay saka niya narealize na wala na pala siya sa restaurant at imbis na si Don Guillermo ang kaharap ng mga sandaling iyon ay si Gilbert ang kanya na ngayong kasama. “I’m sorry, I know you are at the middle of a meeting pero andito ka dinadamayan ako. Pasensya na, naka istorbo na ako sa iyo,” paghingi nito ng pasensya. “I was just being freaked out when I heard his non-sense reasons.” “It’s okay, we are done anyway, and we’re just chatting,” kasabay ng tipid na ngiti ang kanyang sagot. Ngumiti lang ng bahagya si Maricon kasunod ng isang malalim na buntong hininga. “It will be better if we take a short walk, it could help yourself to divert the emotions you just had.” Tumango ang dalaga at nauna ng humakbang patungo sa gitna ng park. Sinabayan na lamang siya ni Gilbert. Sabay lang silang naglalakad at walang kibuan, maya-maya ay tumutunog ang cellphone ni Gilbert na kina-cancel ng huli. “Wala ka ata sa mood sumagot nang tawag?” Puna ni Maricon habang nililibot ang mga mata sa magandang view ng park. “Yeah, I just don’t feel talking to somebody over the phone at this moment.” “Napapagod ka rin pala.” “Rarely. But it’s a different situation now.” Binalingan siya ng tingin ni Maricon. “I simply want to hang up with you,” sagot ni Gilbert ng hindi bumabaling ng tingin sa kausap. Ngumiti ang dalaga, hindi pilit. “Thanks. It counted a lot, knowing that I am not alone in this foreign country and has someone to talk to whenever I am in trouble, is something which makes me feel good.” Nilingon siya ni Gilbert saka nginitian ng marinig ang kanyang sinabi. At muli silang tahimik na naglakad. Naupo sila sa isang bakanteng bench. “Ang sabi ni Lito, matagal kana dito sa New York.” Tumango lamang si Gilbert. “Puna ko napakaabala mo sa mga negosyong sinasalihan mo.” “That is my life here,” tipid na sagot ni Gilbert habang nakatingin kay Maricon na ang huli ay pinagmamasdan ang ilang mga naglalakad sa parke. “Hindi ka ba nababagot?” “That’s why I made it sure that I am busy.” Napabaling ang tingin niya sa binata ng marinig ang sagot nito. Saka sila nagngitian. Maya –maya ay nakaramdam ng lamig si Maricon at hinaplos ang dalawang braso niya upang painitin. Napuna iyon ni Gilbert. “It’s getting cold, if you are calmed, I’ll send you to your hotel now.” “Sure,” Nakangiting sang-ayon ng dalaga, tutal nakaramdam narin siya ng pagod at ng tingnan niya ang kanyang suot na pambisig na relo ay pasado ala una na ng hatinggabi. Tumayo at humakbang pabalik sa kinapaparadahan  ng sasakyan ang dalaga. Nakadalawang hakbang palang siya ng maramdaman niyang isinampay sa kanyang mga balikat ang kaninang suot na coat ni Gilbert upang maibsan ang lamig na nararamdaman. “Ang sweet naman pala nito,” naisaisip ni Maricon. Nginitian niya si Gilbert sa kanyang ginawa “Thanks,” saka nito winika.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD