Pagod niyang ibinagsak ang katawan sa kanyang kama, namiss niya ng husto ang higaan, matapos siyang dumaan sa kuwarto ng mga magulang upang ipagmalaki ang tagumpay niyang nabawi ang kanilang kumpanya. Bukas na bukas din ay maaga siyang lalakad upang asikasuhin ang lahat. Heto na siya upang muling umpisahan ang kanyang normal na buhay sa Pilipinas. Subalit kababalik pa lamang niya ay kaagad na niyang namimiss ang kuwarto niya sa New York. “Ano ka ba Maricon, naninibago ka lang. Nasanay kana kasi dun,” sabi nito sa sarili. ***** “Ma’am, nakahanda napo ang almusal,” wika ng isa sa dalawa niyang katiwala kinabukasan ng katukin siya sa kuwarto nito. “Sige susunod ako Manang Thelma.” Inayos nito ang sarili sa salamin, makikipagkita siya ngayong araw sa kanilang company lawyer sa opisina

