Nagpatuloy ang mga araw, nakita ni Maricon ang takbo ng buhay ni Gilbert, walang pahinga ito sa iba’t-ibang transactions sa halos araw-araw ay kabilaang mga business dealings and shares buying from different companies ang hinaharap at inaayos, nagvolunteer naring tumulong si Maricon sa ibang mga transaction pati pag-aasikaso ng ibang mga papeles, madalas siyang isinasama ni Gilbert sa kanyang mga business meeting at acquaintances. Siyempre pa, ipinakikilala siyang asawa niya. Noong una ay lagi siyang na o-awkward kapag ginagawa iyon ni Gilbert lalo na ang mga sweet gestures nito sa kanya kapag kaharap ng ibang tao pero nasanay na rin siya kinalaunan. Nalibang rin siya at natuto na ring maghandle ng ibang mga transactions. Binibigyan din siya ng savings and allowances ni Gilbert na ayaw san

