CHAPTER 9 “Queen of the Night…” I trailed off. Dahil ba bulag ako? Hindi! Ang babaw ko naman kong iyon ang magiging ideya ko sa bulaklak na ibinibigay niya sa akin. I wonder what it means to him. Palaisipan pa rin para sa akin kung papaano ako nakita ni Regor noon. Is he saying the truth? Naguguluhan ako! Pero ano naman ang mapapala niya kung magsisinungaling siya sa akin kung gayong ang kompanya namin ang nangangailanan ng suporta nila. Marami ang salungat sa pagiging gamahan ni Papa kahit ang kanyang mga kapatid. They were against Papa’s way of dealing business. Pero hindi pinapahintulutan ni Papa ang kanilang mga opiniyon dahil mataas ang tanaw nito sa sarili bilang nakakatandang kapatid sa kanila. Hindi na nakakapagtataka na marami siyang kaaway sa negosiyo dahil sa pagiging tuso

