CHAPTER 19 HINDI ko na inilintana pa ang sakit sa katawan ko. Mabilis akong lumuhod at naiiyak na niyakap pabalik ang anak ko. “M—mommy!” He cried and buried his face on my shoulder. Napamaang si Manang habang tinatanaw kaming dalawa. Si Rosella naman ay naiiyak na rin habang si Mocha ay tumalikod, hindi ata nakayanan ang emosiyonal na takbo nang pangyayari ngayon. Hinaplos ko ng dahan dahan ang likod ng anak ko habang walang habas siyang umiiyak at mahigpit akong yakap. “Shh! Nandito na si mommy. Tahan na, anak…” Pinilit kong panatagin ang boses ko pero parang kay hirap. Mismong mga luha ko ay hindi ko na halos mapigilan. Kusa na lamang itong dumadaloy palabas sa aking mga mata. “Y—you left me, mommy! Hinintay kita sa kwarto ko pero hindi ka bumalik!” Tapos humagulhol siya. Nakit

