CHAPTER 22 REGOR’s expression was unreadable. Kita ko ang biyolenteng pag-igting ng kanyang mga panga sa sandaling nawalan ako ng panimbang dahil sa bigat ng aking nararamdaman. Nanginig ang labi niya ng sinalo ako at mabilis na niyakap ng mahigpit. “I’m… I’m so sorry. I—I can’t do anything. I… I tried, Regor. Gusto kong bumalik sa iyo sa mga panahong iyon pero wala akong kakayahang protektahan man lang ang mga taong nasa paligid ko. I can’t leave my mother. S—she was… she was...” Mabilis niya akong hinigit at pinatahan. He tried to hush me but my cries grew louder. “B—baby…” Nanginginig niyang tawag sa akin. Lumunok siya ng ilang beses at tumingala na parang kay hirap para sa kanya ang lumunok ng sariling laway. It’s too painful to see him this way. Nanunuot ang sakit sa aking puso

