CHAPTER 7 INAASAHAN ko na ang ganitong mga pagkakataon na kung saan ay nalilito lang ako sa takbo ng usapan namin. Regor makes me oddly frustrated and amazed. Iniisip ko pa lang ang maaring gawin niya ay gumagawa na naman siya ng panibagong hakbang na mas ikinakalito ko. I find it hard to cope up especially if I’m not acquainted with that kind of thing. “Ma’am, pasensiya na po talaga kayo kanina. H—hindi ko po talaga alam na may naiwan pang bubog doon ng maglinis ako kahapon.” Hinging paumanhin ni Isabel sa akin nang mapag-isa kami sa kwarto ni Regor. Iniwan ako ni Regor kanina ng tinawag na siya ni Mocha. They maybe have some important things to do. I don’t know what kind of business he’s involved with because he has so many men but I know he’s in the top chain than my father. Ultimo

