NAPATIGIL si Yuna sa pagsunod sa Tatay Liren niya nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya. Huminto rin ang ama niya at kunot ang noong nilingon siya. "Mauna na ho kayo, sasagutin ko lang ito." niya rito na. Nang malayo na ito sa kanya ay agad niyang sinagot ang tawag. "Caliber." "I found him." anito na nagpatigil sa kanya. Meron bahagi sa pagkatao niya ang pananabik na muli silang magkita ni Killoran matapos ang dalawang taon. Nasisiguro siyang pananabik 'yun ng paghihiganti dahil sa ginawa nito sa kanya at lalong lalo na sa kapatid niyang si Tori. "I will send you the address. You need to be here right away, sir. He's planning to escape again." Napakunot noo siya. "Nalaman ba niya na nahanap mo na siya?" "No, sir. Black Shadow is hunting him too. Nalaman na ng mga ito na isa n

