Mabilis na napalingon si Yuna ng marinig ang isang bagay na bumagsak. Bigla siyang kinabahan doon. Napatingin naman siya sa kanyang kapatid at nakita niya ang pagtataka ng mukha nito. Hindi na niya hinintay pang magtanong sa kanya bagkus ay mabilis niyang inihakbang ang paa patungo lugar kung narinig niya ang pagbagsak. "S-sino yan?" Kabadong tanong niya. At nang tuluyan na siyang makaliko ay doon bumungad sa kanya ang walang malay na katawan ni Killoran habang ito pilit na binibuhat ni Caliber. Mabilis naman siyang lumapit dito and cupped Killoran's face. "What happened?" He asked Caliber while his eyes were looking at Killoran worriedly. Tanging pang-iling lang ang isinagot ni Caliber sa kanya. Binuhat niya si Killoran at ng akmang ihahakbang na sana niya ang kanyang paa ay saka nama

